B. Panuto: Gawan ng lagom o buod ang ulat na may 3-5 pangungusap batay sa rubric sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. (Ulat ni Liza)
Ulat ni Liza
Isang malakas na lindol ang yumanig sa Davao del Sur noong ika-6 ng Setyembre, 2020. Ito ay may lakas na 6.4 magnitude. Dahil sa lakas ng pagyanig, maraming mga bahay at gusali ang nasira. Gumuho ang mga lupa sa iba’t ibang
bahagi ng Davao del Sur. Sa takot, nagsilikas ang mga tao sa ligtas na lugar.
Nagpadala ng tulong ang pamahalaan sa mga nasalanta ng lindol. Maraming mga pribadong indibidwal at grupo ang nagbigay ng mga relief goods. Ang iba naman ay nagbigay ng tulong pinansyal. Sa panahon ng sakuna, dapat lahat tayo ay alerto at laging handa.
Answers & Comments
Answer:
Noong ika-6 ng Setyembre 2020, nagkaroon ng malakas na lindol sa Davao Del Sur na may lakas na 6.4 magnitude. Maraming mga bahay, gusali ang nasira at gumuho ang mga lupa. Lumikas ang mga tao sa ligtas na lugar dala ng takot.
Explanation:
Sana makatulong.