Questions


August 2022 1 2 Report
Pagyamanin / Isagawa


Gawain 2: Bigyan ng angkop na pamagat ang bawat talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang puno ng malunggay ay kulay berde sa panlabas na balat. May sobrang dami ng dahon at maliliit ang mga ito. Maraming nutrisyon ang makukuha dito kaya maraming tao ang nais magtanim nito. Ang mga bulaklak ng malunggay ay tulad din ng sampaguita; maputi ito sa kulay na may dilaw na balbon na mga tangkay sa tuktok o malapit sa gitna. May pangkaraniwang amoy rin ito tulad ng ibang bulaklak. Ang bunga ng malunggay ay nakabitin sa mataas na sanga kung kaya mahirap kuhanin.
2. Maraming katangian ang Pilipino na dapat ipagmalaki. Isa na dito ang pagiging madasalin. Kahit anong pagsubok ang harapin hindi sila agad sumusuko dahil naniniwala silang aantabayanan sila ng Panginoon. Bukod dito sadyang sila ay magagalang. Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino. Ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda bilang tanda ng kanilang paggalang. Gumagamit din sila ng po at opo at magagalang na pananalita.
3. Ang sayang pakinggan ang mga awiting pamasko. Maliliwanag at makukulay na parol ay nakasabit na naman sa mga kabahayan. Marami na rin ang nagtitinda ng bibingka at puto-bumbong. Bata man o matanda ay nasasabik tuwing sasapit ang
buwan ng Disyembre. Sa mga Kristiyano, isa ito sa pinakamahalagang pagdiriwang ng lahat.
4. Itinuturing pambansang hayop ng Pilipinas ang kalabaw dahil namumukod tanging katangian na taglay nito. Matiyaga, masipag, malakas at maamo ito kung kaya
maraming tao lalo na mga magsasaka ang giliw na giliw dito. Hindi alintana ng hayop na ito ang tindi ng sikat ng araw habang nag-aararo sa kabukiran. Umulan man o umaraw na nanatili itong nakatayo upang tulungan ang masipag din nating magsasaka.
5. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang dalawang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal. Ang Noli Me Tangere ay tungkol sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas at nagbibigay tuon din ito sa mga Katolikong Prayle. Layunin ng nobela ang mailantad ang kasamaang nagkukubli sa pamamahala ng Espanyol. Ang kaniyang pangalawang nobela na El Filibusterismo ay kaniyang inialay sa tatlong paring martir o “GOMBURZA”. Ang dalawang nobela na ito ay kilalang kilala, sapagkat ang mga tinalakay dito ni Rizal ay ang mga sensitibong paksa noong kapanahunan nang pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.