INAKUP, AREKUP
Jimmy Antiporda, Yoly Ong, Marilyn Villapando
Isang taon palang ako, nasundan na ni Toto.
Grade 2 walong taon palang, apat na bata ang inaalagaan.
2
Grade 6 labing dalawa na ako, kasing dami na ng pamilya ko.
Sabi mo "Pasensya na, walang pera kaya magdrop out ka."
Refrain:
Inakup sabi mo kami'y mahal nyo,
Arekup ko bat di kayo nagplano.
Sana di gutom at nag aaral pa,
alaga't malusog ang buong pamilya.
1. Ano ang mahalagang mensahe ang ipinararating ng awiting ito?
2. Ayon sa awitin, ano ang naging resulta ng hindi pagkakaroon ng maayos na plano sa
pamilya?
3. Batay sa awitin, nagpapakita ba ito ng pagtupad ng magulang sa kaniyang
tungkulin? Ipaliwanag.
4. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang gampanin ng magulang sa kaniyang mga
anak?
Answers & Comments
Verified answer
1. Ano ang mahalagang mensahe ang ipinararating ng awiting ito?
-ang pagplano ay isang napakahalagang bagay na pagtuonan ng mag-asawa para maging mabuti at maganda ang kinabukasan ng magiging anak nila.
2. Ayon sa awitin, ano ang naging resulta ng hindi pagkakaroon ng maayos na plano sa pamilya?
-ang mga bata ay ang kakawa dahil sa hindi pagplano, ang ibang responsibilidad ng magulang ay maipasa sa panganay. At malala pa 'non ang mga bata ay nakaranas ng kagutoman at ang kanilang pag-aaral ay naapektohan.
3. Batay sa awitin, nagpapakita ba ito ng pagtupad ng magulang sa kaniyang tungkulin? Ipaliwanag.
-Hindi, dahil hindi nila pinaplano ang pagbuo ng pamilya kaya ang pangangailangan ng mga bata ay hindi nila matustusan.
4. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang gampanin ng magulang sa kaniyang mga anak?
-Para sa akin, ang pinakamahalagang gampanin na dapat maibigay ng magulang sa kanilang anak ay ang pangangailangan nito, lalo na ang pag-aaral.