I. Sagutin ang pagtataya
___1. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
c. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
d. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin
___2. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw na nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataon na ito?
a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin ang pagkakamali.
c. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
d. Lahat ng nabanggit
___3. Ang mga sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:
a. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala. c. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran. d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay
___4. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. mag-isip c. magpasya
b. umunawa d. magtimbang ng esensya ng mga bagay
___5. Analohiya:
Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ___________
a. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
b. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
c. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
d. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
___6. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay, maging malusog at makaramdam.
d. Tama, dahil katulad ng tao ay mayroon nangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
___7. Sa pamamagitan ng kilos loob nahahanap ng tao ang ________________.
a. kabutihan b. kaalaman c. katotohanan d. karunungan
___8. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
c. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan
___9. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan c. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
b. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama d. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip
___10. Ang tao ay may tungkuling _________________________, ang isip at kilosloob.
a. Sanayin, paunlarin at gawing ganap c. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
b. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap d. Wala sa nabanggit​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.