Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong o pahayag.

Piliin ang wastong titik ng tamang sagot.

1. Ito ang dapat mong gawin bago at pagkatapos mong magpasya.

A. Umasa sa mabuti

B. Manalangin sa Diyos

C. Humingi ng payo sa mga kaibigan

D. Manisi ng ibang tao kapag mali ang pasya

2. Kung nanatili sa iyo ang alinlangan dahil mayroon kang pakiramdam na maaari kang magsisi

sa iyong pasya, kailangan mong:

A. Gawin na lamang kung ano ang magpapasaya sa iyo at sa iyong pamilya

B. Gawin na lamang kung ano ang sa palagay mong tamang gagawin.

C. Pag-aralang muli ang iyong pasiya na may kasamang panalangin

D. Huwag nang mag-alala, isagawa na ang pasiya agad

3. Sino ang dapat magpasya sa pipiliin mong kurso sa kolehiyo?

A. Ang aking magulang dahil sila ang magtataguyod sa aking pag-aaral.

B. Ang aking mga guro dahil alam nila ang aking taglay na kakayahan.

C. Ako mismo dahil ako ang mag-aaral ayon sa aking interes.

D. Artista o atleta na nakatapos ng kursong gusto ko din.

4. Bakit mahalaga na ngayon pa lamang ay marunong ka nang magpasiya ng wasto at

makabuluhan? Upang:

A. mas maging madali na para sa akin ang magpasya sa mas seryosong bagay.

B. mas makatipid nang panahon at hindi na ito paulit-ulit pang pag-iisipan.

C. hindi magsisi sa bandang huli at maiwasan ang masaktan o magdusa.

D. magkaroon ng mas makabuluhang buhay.5. Sa bahaging ito ng proseso ng pagpapasya nakapaloob dito ang tunay mong hangarin o

interes, mga naiisip na solusyon, maaring maging hadlang at posibleng mga resulta.

A. Magnilay sa mismong aksyon

B. Pag-aralang muli ang pasiya

C. Magkalap ng kaalaman

D.Tayain ang damdamin

6. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na maging basehan sa pagbuo mo ng iyong

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?

A. Maikling bahagi (excerpt) sa talumpati ng isang pulitiko

B. Mula sa isang teksto sa Bibliya o aklat pang relihiyon

C. Liriko sa koro ng isang awitin

D. Nabuong pansariling kaisipan

7. Ang mga sumusunod ay magagandang dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay maliban sa isa

A. Ito ang nagiging batayan ng isang tao sa kaniyang pagpapasiya.

B. Ito ay katulad ng isang motto na malinaw na naglalahad ng iyong pinahahalagahan.

C. Ito ay nagpapakita kung gaano kalawak ang kaalaman mo sa mga pananaw at

pinahahalagahan ng ibang tao.

D. Ito ang iyong pinanghahawakan na mabubuting kaisipan na binibigyang pansin ang

kabutihang panlahat sa pagsasagawa ng mahusay na pagpapasiya.

8. Alin sa mga sumusunod ang maari mong gawin upang maisabuhay ang iyong Personal na

Pahayag ng Misyon sa Buhay?

A. Isulat ito sa pader ng inyong bahay

B. Sumulat sa isang papel at ilagay sa ilalim ng iyong unan

C. Kabisaduhin ito at laging sasambitin na parang panalangin

D. Isulat at ipa-laminate, pwedeng gawing key chain upang laging nababasa

9. Si Elena ay isang mag-aaral sa Ikapitong Taon, iniiwasan niya ang mangopya kapag may

pagsusulit sila sa klase, hinihintay niyang kunin ng tindera sa canteen ang kanyang bayad

bago siya kumuha ng tinapay na kanyang binili at inaamin niya ang tunay na dahilan sa

kaniyang guro kung bakit siya liban sa kanilang klase. Sa ganitong mga pagkakataon ano ang

pinapahalagahan ni Elena?

A. Ang kaniyang katayuan sa kanilang paaralan bilang isang mabuting mag-aaral.

B. Ang payo ng kaniyang mga magulang na ingatan ang reputasyon pamilya.

C. Ang kahalagahan ng pagiging matapat sa lahat ng pagkakataon.

D. Ang mapanatili na mataas ang tingin sa sarili bilang tapat.

10. Madali lamang bumuo at isabuhay ang napiling Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

Ang pahayag ay:

A. Tama, dahil ibabase mo lamang ito sa iyong nabasa o napakinggan.

B. Mali, dahil ito ay nangangailangan ng panahon at pagsisikap bago mabuo.

C. Tama, dahil ito ay ang iyong personal na kagustuhan kung paano mo gagamitin ang iyong

buhay.

D. Mali, dahil ito ay nangangailangan na isaalang-alang ang katotohanan, kabutihan at

pagpapahalaga na magiging gabay sa pagpapasya.


PAKISAGUTAN NAPO PLSSSSS

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.