Panaghoy sa Suba (English: The Call of the River or The Cry of the River; Tagalog: Ang Panaghoy ng Suba), is a 2004 Visayan language film produced and directed by Cesar Montano,who also played the lead role. Panaghoy sa Suba is an historical romance drama about a love triangle which takes place during the Second World War. Its themes concern Filipino nationalism and the legacies of colonialism."
A.Simula
Ang umpisa ng kwento ay naglalahad ng simpleng pamumuhay sa isang probinsya, nakikita dito na noon pala ay maaari nang mabuhay sa kakarampot na pera at maliit na pamamahay. Inilahad din nito ang kahalagahan ng ilog at iba pang yamang-gubat sa ikauunlad ng mga tao.
B.Tunggalian
Si Duroy naman ay mapaghalaga sa kanyang pamilya. Mayroon siyang dalawang kapatid at inang malubha na ang kalagayan. Si Duroy ay larawan ng isang mabait at mapagmahal na tao. Inisip pa niyang isakripisyo ang pagmamahal niya kay Iset nang malaman niyang may gusto rin ang kapatid niya dito.
C.Kasukdulan
hindi masyadong nakita ang tunay na kalupitan ng mga Hapon. Ngunit, isinalaysay din nito na hindi lahat ng mga hapones ay masama, sila din naman ay may mga tungkuling dapat gawin para sa kanilang bansa. Pinakita din na sila ay tao ring marunong magmahal. Ang isa dito ay ang hapong manliligaw ni Iset. Ipinagbawal niya ang karahasan laban sa mga Pilipino. Ipinakita din nito na hindi lahat ng amerikano ay mabait, may nakita ding pagmamalupit at diskriminasyon sa mga ito.
D.kalakasan
Subalit, kahit na anong bait at pagkamaunawain ng sundalong ito, hindi pa rin niya maiiwasang magkaroon ng pagpatay at pagmamalupit. Ang pagkahuli sa kapatid ni Duroy ang nagsimula ng rebolusyong magpapalayas sa mga hapon sa kanilang pamayanan. Pinili ng mga taong nagtatago sa kagubatan na sagipin ang nakababatang kapatid ni Duroy. Dito, tinulungan sila ng ama ni duroy na kumuha ng mga dinamita at armas. Ito rin ang naging daan sa pagbabati ng mag-ama. Ipinakita nito na sa panahon ng kagipitan, mananaig parin ang pagmamahal ng pamilya.
E.Wakas
Matapos ang karahasan, bumalik ang buhay sa maliit na bayang ito. Di man kasing-saya ng dati, natuto naman ang mga mamamayang maging matatag at magtulungan sa gitna ng gulo. Naibigay na ang sulat kay Iset, at dama ni Duroy ang maalab na pagmamahal nito para sa kanya. Sumisimbolo ito na nagtagumpay ang mga tao sa paghahangad ng kalayaan.
Answers & Comments
Answer:
A.Elemento ng kwento
I.tauhan
II.Tagpuan
III.banghay
A.Simula
B.Tunggalian
C.Kasukdulan
D.kalakasan
E.Wakas