Basahin at unawaing mabuti ang talata. Piliin ang letra ng tamang sagot. Ang pelikula, na kilala rin bilang sine at pinilakang tabing ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Ito ay anyo ng sining, at tanyag na anyo ng libangan at negosyo. Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng “totoong” tao at bagay. Ipinababatid nito ang tema at kaisipan upang ibahagi sa mga manonood. Sa panonood ng isang pelikula inaalam kung nagampanan ng mga tauhan ang kanilang kinakatawan at kung angkop ang lugar na pinagganapan. Bukod dito ay binigyang pansin ang pagpapahalagang nakapaloob dito. Sa panonood ng pelikula ay madaragdagan ang kaalaman at kamalayan ng mga manonood sa mga napapanahong pangyayari at maaari nating maiugnay ang pang-araw-araw na gawain o karanasan.
______ 1. Alin sa mga sumusunod ang kasalungat na kahulugan ng salitang kamalayan?
A. pagkabatid
B. pagkaalam
C. ulirat
D. walang alam
______ 2. Ano ang matututuhan mo sa panonood ng pelikula? Matutuhan ko ang __________.
A. kaganapan sa loob at labas ng bansa
B. ang kultura at tradisyon ng bawat bansa C. ang mga paraan sa pagsusuri ng pelikula D. ang pagsusuri ng kilos, kaisipan at pagpapahalaga sa pelikula
______ 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi wasto sa panonood ng pelikula?
A. Ang panonood ng pelikula ay kinahihiligan ng mga kabataan.
B. Lahat ng pelikula ay maaaring panoorin maging bata man o matanda.
C. Ang pelikula ay kinakailangang angkop lamang sa edad ng manonood.
D. Kailangang may paggabay ng matanda sa tuwing may nais
panoorin ang mga bata.
______ 4. “Tayo ay nagkaroon ng kamalayan sa pagiging isang mabuting bata.”
Alin sa pangungusap ang salitang ginamit na pamalit sa ngalan ng tao?
A. bata
B. isang
C. kamalayan
D. tayo
______ 5. “Matutuwa lahat ng makakapanood ng pelikulang iyon.” Anong uri ng
panghalip ang salitang nakasalungguhit sa pangungusap?
A. paari
B. pamatlig
C. panaklaw
D. panao
pag kayo nonsense nanaman yung sasagutin ah.
tas pag merong na nag sagot na nonsense wala nang mag sasagot :/ hangang sa ilang lingo meron nalang sasagot.
Hays pls naman
WAG nalang kayo SUMAGOT kung di nyo alam A N G sagot ha
Answers & Comments
Answer:
1. D
2. D
3. B
4. A
5. B
Explanation:
correct me if I'm wrong
paki brainliest