Basahin at unawaing mabuti ang usapan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Sa oras ng klase ng mga mag-aaral sa ika-anim na baiting, kasalukuyang tinatalakay ni Bb. Dimzon ang tungkol sa kahalagahan ng wastong pag tatapon ng basura.
Bb. Dimzon: Mga bata alam ninyo ba na ang ating bansa ay
kasalukuyang kumukonsumo ng tone-toneladang basura.
Mga Mag-aaral: Opo
Bb. Dimzon: Dahil diyan, sa harapan nyo makikita ninyo ang tatlong
basurahan na may iba’t- ibang kulay. Berde para sa papel, asul
para sa mga puwede pa mapakinabangan at pula para sa mga
nabubulok. May mga halimbawa ng basura sa inyong harapan,
tatawag ako ng isang mag-aaral upang ilagay sa tamang
basurahan ang mapipili niyang basura.  Rico maari ka bang
tumayo.
(Tumayo si Rico at kinuha ang isang plastic na bote)
Bb. Dimzon: Ilagay mo kung saan nararapat ang iyong hawak.
Rico: Sige po!
(Inilagay niya ito sa Asul na basurahan)
Bb. Dimzon: Mga bata tama ba ang pinaglagyan ni Rico?
Mga Mag-aaral: Opo, tama si Rico.
(Tumawag pa ng ilang bata si Bb. Dimzon hanggang sa maubos
ang mga basura na kaniyang halimbawa)
Bb. Dimzon: Magaling! Kayo ay makakatulong na sa ating paaralan ng
pagbibigay ng solusyon sa ating suliranin sa basura.

1.     Ano ang paksang pinag-uusapan sa usapan?

A. edukasyon   
B. pamahalaan   
C. pagkain
D.  basura

2.     Ano ang problemang kinahaharap ng bansa?

A.    Pagtaas ng mga presyo ng bilihin
B.    Pagkakaron ng mga ligaw na hayop
C.    Pagkawala ng basurahan sa paarala
D.    Pagkonsumo ng napakaraming basura

3.     Sa iyong palagay, ano ang naging sanhi ng isyung kinaharap sa usapan?

A.    Pagdami ng paninda sa kantina.

B.     Ang pagdadala ng maraming baon ng mga mag-aaral.

C.    Pagpapasya ng paaralan na wala ng basurahan sa paaralan.

D.    Kawalan ng sapat na kaalaman ng tao sa wastong pagtatapon ng basura.

4.     Upang mabawasan ang basura ano ang dpat na malaman ng isang bata na tulad mo?

A.    Huwag na lamang magbaon sa pag pasok.

B.    Iuwi na lamang sa bahay ang basura ng paaralan.

C.    Ibigay lahat sa guro ang mga basura upang siya ang magtapon

D.    Hindi lahat ng basura ay kailangan ng itapon matuto lamang sa pag hihiwalay ng basura.

5.     Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng solusyon?

A.    Marami ang kalat sa paaralan.

B.    Hindi lahat ng nasa basurahan ay kailangan ng itapon.

C.    Magkaron ng wastong paraan ng pag segregate ng basura

D.    Ayon kay Sec. Briones marami ang kinokonsumong pasura sa paaralan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.