Halimbawa ng kasalukuyang isyu sa kalagayang kultural at panlipunan ng ating bansa
Ilan sa mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa ating lipunan at kultura ay mga sumusunod:
Bakuna laban sa nakakamatay na sakit na Covid-19. Ang Covid-19 ay isang virus na kumalat sa ating bansa noong nakaraang taon (2020) na kung saan nagdulot ng malaking krisis sa Pilipinas. Mabilis itong kumalat at may mga nasawi. Kabi-kabilang lockdown ang ipinatupad sa mga bayan at halos huminto ang mga negosyo na siyang nagbigay ng malaking dagok sa ating ekonomiya. Maraming nawalan ng trabaho dahil di nakayanan ng mga negosyo na bumawi mula sa pagkalugi. Dahilan upang ang mga bansa ay magtulungan at magsaliksik sa pagdiskubre ng bakuna laban dito. Sa ngayon ay may mga bakuna na ibang mga bansa at nakapag simula na ng mass vaccination sa kani-kanilang bayan. Ang Pilipinas ang ilan sa mga bansa na wala pang pormal na bakuna o hindi pa nakakapagsimula ng mass vaccination sa nasasakupan nito. Isa sa mga usapin ay kung paano makakakuha ng bakuna at saan ito gagawin kung sakali. Sino ang mga uunahin bigyan nito at sino ang ihuhuli? Lahat ba ay mabibigyan? Ano ang maaaring maging epekto nito sa katawan natin? Ilan ito sa mga tanong na hanggang ngayon ay hinahanapan pa ng sagot ng ating mga kababayan at gobyerno.
Sa usaping kultura laban sa Covid-19, ilan sa mga Pilipino ang pumiling tumulong sa kapwa sa gitna ng mga krisis. Nariyan ang mga subsidy program gaya ng SAP assistance na ibinigay ng ating gobyerno noong kasagsagan ng lock down. Ang Pilipino ay likas matulungin sa kapwa.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Covid-19, basahin ang mga sumusunod:
Answers & Comments
Verified answer

#LetsStudy