Gawain sa Pagkatuto blg. 1 (PAGYAMANIN)
Panuto. Tukuyin ang mga panandang pandiskurso na ginamit sa bawat
pangungusap. Gawin sa sagutang papel.
Bagaman may banta ng pandemya, positibo nating haharapin ang bagong
normal ng may kahabagan, sensibilidad, at pagiging makabayan upang ang paraan
ng pag-aaral ay hindi maging isang pasanin para sa ating mga magulang, mga anak
at guro ngunit isang pag-asa sa gitna ng krisis. Samantala, inihanda ang mga
learning delivery option na ito na angkop sa social distancing at limitadong internet
access ng mga guro at mag-aaral. Sa kabila ng mga hamon na tatahakin,
sisiguraduhin natin na magkakaroon ng balanse sa pagitan ng pagbibigay ng kalidad
ng edukasyon at pag-aaruga sa bawat isa.
Sa tingin ko ang mga Pilipino ay may matibay na pananampalataya sa Diyos.
Kung tutuosin napakarami na nating pinagdadaanan bilang mamamayang Pilipino.
Ngunit nananatili pa rin tayong matatag, kagaya ng punong kawayan na
yumuyukod kapag may bagyo ngunit tumatayong muli.
10 panandang pandiskurso po yung kailangan
Answers & Comments
Answer:
-nating
-samantala
-upang
-Sa kabila ng mga
-Sa tingin ko
-Ngunit
-kung tutuusin
-Bagaman
-sa pagitan ng
-ang mga
Explanation:
Im not really sure po pero based lng po yan sa learnings ko correct me if im wrong po