Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin ang pangunahing diwa. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.

1. Ang Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Nuestra Senora dela Paz y Buenviaje) ang patron ng Antipolo sa Rizal. Dito, ang pagdiriwang ng pista ay sa buong buwan ng Mayo. Ipinagdiriwang din ito sa ika-8 ng Disyembre.Ito'y dinarayo ng maraming taong nais humiling ng biyaya sa patron ng bayan.

A.Ang pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay

B.Ang hindi pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay

C.Ang pagsalungat sa pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay

D.Ang kaguluhan sa pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay

2. Ipinagdiriwang taon-taon ang kapistahan ng Patrong San Martin, pati na rin ang higit na masiglang kapistahan ng Mahal na Krus sa bayan ng Bocaue sa Bulacan. Mayroon ditong Pagoda sa Wawa o prusisyon sa ilog. Iniikutan ng maraming taong lulan ng maliliit na bangka ang Mahal na Krus na nasa napakagarang pagoda. Ito'y ipinuprusisyon sa kahabaan ng Ilog Bocaue hanggang sa Wawa, kung saan sinasabing nakuha ng mga mangingisda ang Mahal na Krus.

A.Ang pagparada ng Mahal na Krus sa kalsada ng Bocaue hanggang sa Wawa

B. Ang pagparada ng Mahal na Krus sa kabundukan ng Bocaue hanggang sa Wawa

C.Ang pagparada ng Mahal na Krus sa ilog ng Bocaue hanggang sa Wawa

D.Ang pagparada ng Mahal na Krus sa dagat ng Bocaue hanggang sa Wawa​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.