Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Panuto: Suriin ang sumusunod na mga talata at tukuyin kung
pangunahing kaisipan o pantulong na kaisipan ang may diin na letra at
may salungguhit. Isulat ang letra ng tamang sagot.
A. Pangunahing Kaisipan B. Pantulong na Kaisipan
1.Maagang pumapasok sa paaralan si Tonyo upang makapag-review sa
library. Tuwing nagkakaroon ng oral recitation ay palagi siyang
nakakasagot. Kapag nakauwi mula sa paaralan ay agad niyang
ginagawa ang kanyang mga takdang-aralin kung kaya mataas ang
markang nakukuha ni Tonyo. Si Tonyo ay mabuting estudyante.
2.Si Patricia ay isang mabait na bata. Kapag nakikipag-usap siya ay
kakikitaan mo talaga ng paggalang. Sinusunod niya rin ang payo ng
kanyang mga magulang, guro at iba pang mga nakakatanda sa kanya. Tinutulungan niya rin ang kanyang mga magulang sa mga gawaingbahay.
3. Napakagandang tingnan kung ang ating mga ngipin ay maputi. Kapag
ito’y walang sira, tiyak na mabango ito. Kapag araw-araw kang
nagsisipilyo, tiyak na walang sasakit at walang masisirang ngipin. Kaya
dapat talagang mapangalagaan ang ating mga ngipin.
4. Ang paborito kong bulaklak ay rosas. Gustong-gusto ko ang amoy nito
kaya araw-araw akong namimitas nito sa aming hardin. Tuwing birthday
ko ay hindi mawawala ang rosas sa dekorasyon.
5. Palaging nag-aaway ang aking mga magulang. Kung si papa ay
matipid, mahilig namang gumasta ng pera si mama. Mahilig din si mama
na lumabas kasama ang mga kumare nito kahit gabi na. Gusto ni mama
ang sports habang si papa ay mahilig magbasa ng mga libro. Natatakot
ako na baka maghiwalay sila.
Answers & Comments
Answer:
1.A
2.B
3.A
4.B
5.A
Explanation: