Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gamit ang iyong sariling kaalaman, ibigay ang mga bagay na maaari mong iugnay sa salitang pinaguusapan.
COVID-19
Ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa panghinga na maaaring kumalat nang tao sa tao.
Ito ay unang nakita sa isang imbestigasyon ng pagkalat sa Wuhan, China.
Ang virus na nagdudulot ng COVID-19 marahil ay nagmula sa isang hayop, subalit ngayon ay kumakalat na nang tao sa tao.
Ang ilang tao ay maaari ring magkaroon ng hindi karaniwang mga sintomas gaya lang ng lagnat, pagtatae, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagkahilo at pagsusuka, pagkalito at pagkamayamutin.
Iniisip na ang virus ay kumakalat higit sa lahat sa pamamagitan ng malapitang ugnayan sa isa’t isa.
Tuwing bumabahing o umuubo ang taong may sakit, maaring tummalsik ang droplet sa bibig o ilong ng ibang taong malapit sa kanya.
Protektahan ang iyong sarili at ang iba, ugaliing sundin ang mga protocol sa inyong barangay.
Huwag lumabas ng bahay upang hindi mahawaan ng virus na ito.
Answers & Comments
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gamit ang iyong sariling kaalaman, ibigay ang mga bagay na maaari mong iugnay sa salitang pinaguusapan.
COVID - 19
#CarryOnLearning