Gawain 6: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sina Princess at Dyessa ang inatasan ng kanilang guro sa pag-aalaga ng gulay sa kanilang hardin na Gulayan sa Paaralan. Ginagawa nila ang pagdidilig, pagbubungkal, at paglalagay ng abono. Subalit napansin nilang nalalanta at may mga butas ang dahon at bunga ng tanim. Ano sa palagay mo ang sumisira sa tanim? a. Hindi nabubungkal nang maayos ang mga gilid nito. b. Hindi ito nadidiligan nang maayos. c. Kulang sa paglalagay ng abono. d. Sinisira ng pesteng kulisap ang tanim.

2. Sa pagtatanim ng halaman hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng peste. Ano ang dapat gawin upang mabawasan ang peste sa tanim? a. Hayaan na lamang itong dumami. b. Magbasa o maghanap sa internet na maaaring makatulong sa pagpuksa ng mga peste sa halaman c. Magtanong sa kaklase. d. Tanggalin lahat ng peste sa bawat halaman.

3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tamang kaalaman sa pagpuksa ng mga peste sa mga halaman? a. Upang maiwasan ang pagkamatay ng mga tanim b. Upang higit na dumami ang ani c. Upang mabawasan o tuluyang mamatay ang mga pesteng sumisira sa tanim d. Wala sa nabanggit

4. Ang mga magulang ni Divine ay may bukid. Sa isang taon pasalit salit ang mga pananim nila ayon sa kalagayan ng panahon. Talong at repol- yo ang tanim nila kapag panahon ng tag-ulan, singkamas at patani na- man pagsapit ng tag-araw. Anong paraan ng pagtatanim ito? a. Companion Planting c. Intercropping b. Crop Rotation d. Snap Hydroponics​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.