Gawain 3 Panuto:

Bigyang kahulugan ang kilos, gawi o karakter karakter ng mga tauhan batay sa usapang napakinggan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. “Asawa ko, bakit kailangan mo pang umalis. Masaya ako kahit mahirap ang ating buhay basta’t magkasama tayo.” Ipinakikita nitong ang asawa sa Brahman ay ____. A. matatakutin at nerbiyosa C. mapagmahal na asawa B. selosa D. walang tiwala

2. “Kailangan kong umalis, Mela. Tingnan mo nga ang buhay natin, napakahirap. Gusto ko magkaroon malaking bahay at maraming salapi.” Ipinakikita nitong ang Brahman ay _. A. may mataas na ambisyon at labis na paghahangad B. gustong makaranas ng naiibang buhay sa lungsod C. nagnanais yumaman para makaiwas sa gawain sa bukid D. gustong makapag-asawa ng mayaman

3. “Hindi na ako tumuloy. Hindi ko pala kayo kayang iwan,” ang masayang sabi nito sabay yakap sa dalawang babaeng naiiyak sa tuwa dahil sa pagbabalik ng inaakala nilang Brahman. Ipinakikita nitong ang espiritu ay ____. 25
A. mapanlinlang at mapagsamantala
C. nananabik sa pagmamahal ng isang pamilya
B. mapagpanggap pero mabait
D. nagpanggap para magkaroon ng asawa

4. “Hindi na po uli ito mangyayari. Ang tunay ko po palang kayamanan ay ang aking minamahal na ina at asawa,” ang sabi ng Brahman habang mahigpit na niyayakap ang kanyang asawa at ina. Ipinakikita nitong ang Brahman ay ____.
A. natatakot sa naging pasya ng raha para sa kanya
B. nagsisisi at natuto mula sa kanyang naging karanasan
C. naghihirap ang kalooban dahil sa pangyayari
D. nagsasaya dahil wala na siyang problema

5. “Ang tronong ito’y pag-aari ng dakilang Raha Vikramaditya. Bago ka maupo rito, ipakita mo munang kapantay mo siya sa tapang at dunong. Makinig ka at sasabihin namin sa inyo kung gaano siya kadakila.” Ipinakikita ng pahayag na ito na ang kanilang Raha Vikramaditya ay ____.
A. isang tanyag at kilalang pinuno C. isang mayaman at hindi malilimutang pinuno
B. isang mahusay at ginagalang na pinuno D. isang mapagpanggap na pinuno

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.