Gawain 1 Panuto: Ipabasa sa kasama sa bahay ang mga bahagi ng alamat na pinamagatang “Ang Alamat ni Prinsesa Manorah”. Matapos itong mapakinggan ay hulaan kung ano ang susunod na magaganap sa kuwento. Isulat ang iyong sagot sa iyong papel.

1. Si Kinnaree Manorah ay ang bunso sa pitong anak nina Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree. Sila ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong magkakapatid ay kapwa mga kinnaree o kalahating tao at kalahating swan. Sila''y nakakalipad at nagagawang itago ang mga pakpak kung kanilang naisin.

2. Isang araw, naligaw ang isang binata na si Prahnbun sa kagubatan ng Himmapan. Doon nya nakita sa ilog ang pitong prinsesa. Nabighani sya sa taglay na ganda ni Prinsesa Manorah. Naisip nya na kung mahuhuli nya si Manorah at maiuuwi ito kay Prinsipe Suton ay tiyak na matutuwa ito.

3. Nagmamadaling lumisan si Prahnbun upang mahanap ang dragon. Hindi pumayag ang dragon sa balak ng binata ng sabihin nito ang pakay bagkus ay binigay nito ang makapangyarihang lubid na makakatulong sa panghuhuli ng binata sa isang kinnaree.

4. Itinali ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang di mabilis na makalipad at agad na naglakbay upang maibigay kay Prinsipe Suton.

5. Nagbalik ang prinsipe ng kanilang palasyo na kasama na si Prinsesa Manorah na kung saan ay umusbong ang pag-ibig nila sa isa''t isa.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.