gawain 2
Panuto: balikan ang halimbawa ng isang posisyong papel na pinamagatang pagtatanggol sa wikang filipino tungkulin ng bawat lasalyano mula sa departamento ng filipino dlsu suriin ang teksto gamit ang talahanayan gumamit ng sagutang papel.
wag sagutan kapag Hindi alam report ko answer mo kapag Mali
Answers & Comments
Answer:
Paksa: Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano
Sumulat: Departamentong Filipino, DLSU
Sariling Katwiran:
Hindi rin magiging mabisang wikang panturo ang Filipino sa Agham, Matematika, Inhenyeriya, Komersyo, Agham Panlipunan, Humanidades, at iba pa, kung walang asignatura sa kolehiyo na magtitiyak sa pagkakaroon ng mataas na antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit nito sa intelektwal na diskurso, komunikasyon, at pananaliksik.
Ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement
Ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural
Ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo kinikilala ang kahusayan ng DLSU-Manila sa larangan ng pagtuturo at pananaliksik sa Filipino
Malaki na ang naiambag ng Departamento sa pamamagitan ng mga regular na proyektong gaya ng Seryeng Panayam, Pambansang Seminar, Community Engagement, at International Conference, na nakapagdulot ng positibong impact di lamang sa ating pamantasan, kundi lalo’t higit sa libo-libong mga mamamayang lumahok at lumalahok sa mga ito
Ginagarantiyahan ng pagkakaroon ng Filipino sa DLSU ang aktibong pakikisangkot ng mga guro ng Departamento at bawat mag-aaral na Lasalyano sa mga kolaboratibong pananaliksik
Sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng Pamantasang ito
Ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan ding pagbura at paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa buong bansa
Kasalungat na Katwiran
mas nakakiling sa Ingles ang sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas.
Paninindigan at Paliwanag:
Dapat bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonal na wikang panturo lamang ang wikang Filipino sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan ding pagbura at paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa buong bansa. Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa