Gawain 2: Suriin Mo!
Panuto: Suriin ang binasang maikling kuwento, isulat sa loob ng kahon gamit ang tsart ang mga pangyayari o pahayag
na sa iyong tingin ay nagpapakita ng tunggalian na tao laban sa tao o tao laban sa sarili at ang iyong ipaliwanag. Isulat
ang sagot sa
iyong sagutang papel.

Ang Sinaunang kuwento ng Pagmamahalan
(Isinalin sa Filipino ni D. G. Lacano)

May isang lugar sa itaas ng kabundukan ng Kurdiskan kung saan malayang lumilipad ang mga uwak at
nagsasalubong ang niyebe at ang araw. Dito nahihimlay ang isang kuwento ng pag-ibig.
May isang matapang na lalaking nagngangalang Farhad ang umibig sa isang prinsesa na nagngangalang
Shirin. Subalit hindi sinuklian ng prinsesa ang pag-ibig na iyon. Ginawa na lahat ni Farhad ang kaniyang makakaya
upang mapansin siya ng prinsesa, subalit sadyang suntok sa buwan ang magkaroon ng ugnayan ang isang hamak na
manggagawa sa isang nabibilang sa dugong bughaw.
Sa kawalan ng pag-asa ni Farhad ay pumupunta siya sa bundok nang hindi kumakain at tanging pagtugtog
lang ng plawta bilang parangal kay Shirin ang kaniyang ginagawa.
Sa wakas ay nakaisip ang mga tao kung paano maipapaalam sa prinsesa ang pag-ibig ni Farhad sa kaniya.
Minsang nakita ng prinsesa ang binata at ang pag-ibig na nananahan sa puso ni Farhad ay unti-unti na ring
nararamdaman ng prinsesa. Subalit hindi niya lubos maisip na isang hamak na manggagawa lamang ang
nagnanasang magkamit ng kaniyang pag-ibig. Hindi rin nagtagal, umabot sa kaalaman ng Shah--ama ni Shirin ang
bali-balita hinggil sa minimithi ng alipin. Noong una ay galit na galit ang Shah sa natuklasan, subalit dahil sa wala
siyang ibang anak maliban kay Shirin at ito naman ay tila umiiwas sa tawag ng pag-big, inalok niya ang prinsesa na
gawing isang alipin ang kaniyang mangingibig. Alipin na kailangang magtagumpay sa kaniyang mga pagsubok. Ang
pagsubok na wala ni isa mang makagagawa. Kapag naisagawa niya iyon ay ibibigay niya ang kaniyang basbas sa
binata.
Ang pagsubok na isasagawa ni Farhad ay ang paggawa ng isang kanal sa mabatong lugar na papuntang mga
burol. Ang kanal na ito kinakailangang may anim na talampakan ang lapad, tatlong talampakan ang lalim, at may 40
milya ang layo!
Ipinaalam nga ni Shirin kay Farhad ang kaniyang pagsubok. Walang sinayang na oras si Farhad, at bitbit ang
pala ay tumungo siya sa burol upang umpisahang isagawa ang utos. Walang humpay sa pagtatrabaho si Farhad at
sinikap na tibagin ang mga bato sa loob ng maraming taon. Hindi pa man sumisikat ang araw ay nag-uumpisa na
siyang magtrabaho at hindi man lamang nagpapahinga.
Sa mga araw na iyon ay palihim na bumibisita si Shirin kay Farhad at pinanonood ang pagsisikap ng binata na
maisagawa ang utos. Pinagmamasdan din niya ang mahimbing na pagtulog ng binata unan ang kaniyang taysha
(pala). Napansin niyang nakaukit ang kaniyang mukha sa bawat anim na yardang layo na naisasagawa ni Farhad.
Isang buntong hininga na lamang ang kaniyang isinukli at bumabalik sa palasyo nang hindi man lamang nalalaman ng
binata ang kaniyang pagdalaw.
Ilang taon ding pinagsumikapan ni Farhad ang pagsasagawa ng kanal subalit hindi pa pala tapos ang kaniyang
pagsubok. Kailangan pa niyang gumawa ng balon sa kalagitnaan ng mabatong bundok. Subalit sa kabila nito ay
malapit na rin niyang matapos ang pagsubok kaya kumonsulta ang Shah sa kaniyang mga tagapayo. Ang balak sana
niyang panlilinlang kay Farhad sa pag-aakalang hindi maisasakatuparan ng binata ang pagsubok ay tila magkakatotoo.
At sakaling matapos niya ang pagsubok ay kailangan niyang ipakasal si Shirin sa binata. Nagmungkahi ang kaniyang
mga tagapayo o viziers na magpadala ng isang matandang babae na magdadala ng balitang patay na si Shirin.
Marahil sa pamamagitan nito ay mawawalan ng pag-asa si Farhad at tuluyan nang hihinto sa paggawa ng utos, Alam
ni Shan na ang paraan na kanilang naisip ay kahiyahiya subalit umayon pa rin siya sa pag-aakalang magtatagumpay
ito




(kung trip mo lang mag copy and paste wag ka na mag answer panira ka eh) ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.