Questions


August 2021 1 27 Report
Gawain 2. Hikayatin Mo!

Panuto: Gamit ang wastong salita sa panghihikayat, sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling pangungusap. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.


1. Nakita ng Morong Gerero ang isang taga-Albanyang mortal na kaaway ng kaniyang lipi at sektang kinabibilangan na nakagapos sa puno at

malapit nang sagpangin ng mababangis na leon. Paano mo hihikayatin ang moro na tulungan ang binatang kalunos-lunos?


2. Natuklasan ni Florante na ang nagligtas sa kaniya sa tiyak na kapahamakan ay isang moro. Paano mo hihikayatin si Florante na huwag matakot at mangamba sa kamay ng isang itinuturing na kaaway ng kanilang sekta?


3. Hindi pinalaki sa layaw si Florante ng kaniyang mga magulang kung kaya’t siya’y lumaking matatag sa anumang pagsubok sa buhay. Paano

mo hihikayatin ang mga kapuwa mo mag-aaral sa ganitong paniniwala?


4. Sa tinuran ni Florante tungkol sa pagmamahal ng kaniyang ama, hindi maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib ang Morong Gerero dahil kabaligtaran ng ama ni Florante ang kaniyang amang si Sultan Ali Adab. Paano mo hihikayatin si Aladin na huwag malungkot bagkus ay maging matatag?


5. Sa murang edad ni Florante siya ay ipinadala sa malayong lugar upang doon tumuklas ng gintong kaalaman ngunit hindi sang-ayon dito ang ina na si Prinsesa Floresca na malayo ang kaniyang bugtong na anak. Paano mo hihikayatin si Prinsesa Floresca na pumayag sa nais ni Duke Briseo?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.