Gawain 1:Maalala mo Kaya!
Panuto:Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba

Lumaki sa hirap ang magkapatid na sina Joanne at Abigail. Hiwalay ang kanilang mga magulang kayat natutong magbanat ng buto sa murang edad. Iniwan sila ng kanilang ina upang makipagsapakaran sa Mayna. Naiwan ang magkapatid sa isang kamag-anak subalit hindi naging maganda ang trato sa kanila. Sa munting pagkakamali nila masasakit na salita ang kanilang maririnig. Tiniis nila ang lahat na hirap para lang may masilungan at may makain araw-araw kapalit ng hindi magandang pagtrato sa kanila.

Isang araw, habang nasa bayan si Joanne upang mamili bigla siyang kinabahan na hindi niya maintindihan. Malakas ang kaba sa kanyang dibdib kaya't dali-dali itong umuwi. Nang siya'y dumating naabutan niyang umiiyak si Abigail. Nang tanungin niya kung anong nangyari bigla itong humahagulhol sabay sabi na siya ay pinagsamantalahan ng kaniyang tiyuhin.

Dahil dito, naisipan ng magkapatid na umalis at humanap ng matitirhan para maging working  student. Dahil sa pagsisikap, tiyaga at determinasyon nakapagtapos si Abigail with flying colors. Nagbunga ang kaniyang pagtitiis at iniaalay niya ang tagumpay sa kaniyang ate Joanne.

Mga Tanong:
1.Sa Palagay mo, nagkaroon ba ng tamang posisyon o pasya sina Johanna at Abigail sa Kabila ng mga nangyari sa kanila?

2.Pinahalagahan ba ng tiyuhin ni Abigail ang seksuwalidad niya bilang babae? Ipaliwanag ang Sagot.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.