Questions


October 2022 1 12 Report
Ang Pag-aasawa
Ang pag-aasawa'y kasukdulan ng "banal na pag-iisa" para sa dalawang nagsimula sa pagkikilala, humantong sa matimyas na pag-iibigan at nagwakas sa paanan ng dambana. Ang bawat isa ay nagsusuko ng kalayaan at kaligayahang pansarili sa kapakanan ng isa't isa sa pag-asang mapapaharap sila sa kaligayahang habambuhay na pagsasaluhan. Wala silang pangitain sa anomang ulap na lalambong sa kanilang malinis na langit.

Ang pag-aasawa'y maaaring magkaroon ng positibo o negatibong bisa sa kalusugang pangkaisipan ng sinoman sa mag-asawa. Kaugnay nito ang marami pang mahahalagang pakikiaangkop sa buhay na kapag napagtagumpayan ay magbubunga ng kalusugang mental. Sa pag aasawa'y dala ng bawat isa ang mga pag-uugali, nakamihasnan, at mga kinahiligan. Ang mga ito'y napagsasanib tungo sa paggising ng damang emosyonal. Upang maging matagumpay ang mga katangiang panarili ng mag-asawa'y kailangang magkatugma dahil sa kahandaan ng bawat isa na gumawa ng karampatang pag-aangkop sa sarili.

Ang tagumpay o kabiguan ng pag-aasawa ay karaniwang itinutukoy sa
mabuti o masamang karakter ng babae o lalaki na pinakakahulugan sa masama o mabuti o sa mga di-kanais-nais na mga pangyayaring labas sa kanilang
relasyon. Sa isang sikologo, malinaw na ang pangunahing tagpagpasiya ng
tagumpay sa pag-aasawa'y ang uri ng pag-aangkop sa sarili ng bawat isa. Ang kasiya-siyang sitwasyon sa buhay ay nasasalig sa kahinugang emosyonal
(emotional maturity).
1. Ano ang nais ipahiwatig ng may-akda ng teksto?

2. Nangyayari ba ito sa totoong buhay? Patunayan sa pamamagitan ng paghahalimbawa.

3. Sang-ayon ka ba sa sinabi ng may-akda Pangatwiranan.

4. Anong-anong katangian ng mahusay na sulatin mayroon ang teksto? Patunayan ang bawat sagot.​​​​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.