Gawain 1: Subok-subok lang
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang iyong kasagutan. Isulat lamang ang titik na napiling sa inilaang patlang.
1. Ito ay isang sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o gawain upang makasulat hinggil s karanasan o gawaing kinapalooban.
2. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga kasambahay, kaibigan, kapitbahay o kasama sa trabaho upang magsagawa ng pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa isang paksa.
3. Mabisa itong ginagamit sa pagpapalawak ng isang paksang isusulat at pangangalap ng mga kaugnay na karagdagang kaalaman.
4. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari
5. Isang talaan ng mga pansariling gawain, mga repleksiyon, mga naiisip o nadarama. at kung anu-ano pa.
Answers & Comments
Explanation:
Pagbabasa at Pananaliksik --> ginagamit sa pagpalawak ng isang paksang isusulat at pangangalap ng mga kaugnay na karagdagang kaalaman.
Obserbasyon --> paraan ng pangangalap ng impormasyon ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, at pangyayari.
Pakikipanayam o Interbyu --> maka pagtitipon din ng mga kaalaman at impormasyon sa pamamagitan ng pakikipanayam o interbyu sa mga taong malaki ang karanasan at awtoridad sa paksa mini hahanap ng mga impormasyon.
Pagtatanong o Questioning --> sinasagot sa pamamagitan ng paglalatag ng mga tanong ang isang tiyak na paksa ng gustong isulat.
Pagsulat ng Jornal --> ay isang talaan ng mga pansariling gawain mga repleksyon mga naiisip o nadarama at kung ano-ano pa.
Brainstorming --> mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao.
Pagsasarbey --> ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng pagpapa sagot ng questionnaire sa isang grupo ng mga respondent.
sounding out friends --> ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa isang paglapit sa mga kasambahay kaibigan kapitbahay o kasama sa trabaho upang magsagawa ng pakikipag talakayan sa kanila hinggil sa isang paksa.
Imersiyon --> ito ay isang sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o gawain upang makasulat hinggil sa karanasan o gawain kina palooban.
Pag-eksperimento --> sinusubukan ng isang bagay bago sumulat ng akda tungkol dito sa pamamagitan ng isang eksperimento.
Hope it helps!!