Questions


August 2022 1 1 Report
GAWAIN 1

Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Salungguhitan sa loob ng teksto ang mga pahayag na nagpapakita ng paghahambing

Sariwa ang hangin na umihihip sa karagatan. Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin din ang tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong kasinlinaw ng kristal. Di-gasino mang maingay dito, wala man ang ingay na matagal ko nang kinagisnan, alam kong masasanay rin ako. Naalala ko tuloy ang pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako. Magkasing-ganda ang pook na iyon at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang buhangin doon.

Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa ganoong klaseng lugar. Sa mura ko kasing edad noon, alam ko na ang hirap na pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan akong magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon. Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal. Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa lugar na sing ganda ng paraiso. Salamat at nakilala ko si Sir James Bossier, Pansamantala man ang pananahan ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking pamilya ay makababalik ako dito upang manirahan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.