Gawain 1: Pagsuri sa sitwasyon
Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon at ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan. Sagutan ang mga tanong sa inyong sagutang papel.
Magkakasama kayo ng iyong mga kaibigan na kumakain sa inyong school canteen Masaya kayong nagkukuwentuhan sa mga hilig ninyong gawin nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Hazel, isa rin sa inyong kamag-aral. Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking
Mga Tanong:
1. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
2. Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaibigan mong nagkukuwentuhan tungkol kay Hazel?
3. Anong hakbang ang gagawin mo upang malaman ang totoo?
4. Bakit kailangang gamitin ang isip at kilos-loob sa paggawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang katotohanan? Ipaliwanag
Answers & Comments
Answer:
1. Siguro ay sasabihan ko ang mga kaibigan ko na wag nilang pag isipan ng masama ang isang tao lalo na't wala silang sapat na ebedinsya.
2. Sigurado ay magagalit sila ngunit dapat ko parin pairalin ang aking isip.
3. Tatanungin ko si Hazel kung ano ang totoo dahil siya lamang ang nakakaalam nito.
4. Kailangan natin itong isaalang-alang sa bawat oras o sa bawat desisyon na gagawin natin dahil makakatulong ito upang malaman ang katotohanan ng walang naaapektuhan na kapwa .