Gamitin ang iyong pagkamalikhain sa pagbibigay ng solusyon sa mga karaniwang suliranin
na nararanasan mo bilang mag-aaral o miyembro ng pamilya. Umisip ng mga kakaibang solusyon para sa sumusunod.
1. Papasok ka na sa paaralan. Natalsikan ng putik ang malaking bahagi ng iyong
uniporme.
2. May takdang-aralin kang iuulat sa klase. Nakalimutan mong bumili ng kailangang
manila paper.
3. Nalukot ng bunso mong kapatid ang limang pahinang ulat na ibibigay mo sa iyong
guro. Wala ka nang panahon upang ulitin ito.
4. Nasira ang rubber shoes mo. Wala kang magagamit para sa klase mo sa P.E.
5. Umiiyak ang iyong bunsong kapatid dahil nahulog sa gilid ng dalawang bakod ang
kaniyang laruan.
6. Oras na ng recess, inilabas mo ang pabaong tanghalian ng nanay mo, nang buksan mo ang baunan ay nakalimutan niyang lagyan ng kutsara at tinidor. Malayo ang kantina sa inyong silid-aralan.
7. Dala-dala mo ang proyekto na isusumite mo sa iyong guro. Sa hindi inaasahang pangyayari nabitawan mo ito at narumihan.
8. Araw ng Sabado naglilinis ka ng bahay ninyo. Nilalaro-laro mo ang walis tambo. Sa pag-ikot mo tumama ito sa poste at nabali. Kabilin-bilinan pa naman ng nanay mo na mag-ingat ka sa iyong gawain.
9. Pinagsaing ka ng kapatid mo. Nilagyan mo ng bigas ang saingan, hinugasan ang
bigas at nilagyan ng tubig. Nagmamadali kang isalang ang kaldero dahil parating
na ang mga kamag-aral mo. Nakalimutan mong buksan ang kalan.
10. Hiniram ng kamag-aral mo ang aklat mo sa Science, may pagsusulit pa naman kayo kinabukasan.
Answers & Comments
Answer:
1.uuwi mona ako sa bahay at sasabihin na natalsikan ng putik ang uniporme ko
2.sasabihin sa guro na naka limotan mo ang manila paper
3.uunawain ko nalang ang aking kapatid at sasabihin ko ang nangyari sa aking guro at nanay
4.manghihiram ako sa aking nakakatandang kapatid
5.kukunin ko ang kanyang laroan
6.magpapa alam ako sa guro na pupunta ako sa kantina para mang hiram ng kutsara at tinidor
7.manghingi ng paumanhin sa guro dahil na rumihan ang proyekto
8.manghingi ng sorry sa nanay at mangangakong hindi na uulitin
9.i chececk ko moli ang sinaing ko
10.sasabihin ko na mag share nalng kami dahil may pagsusulit kami bubukas
sana nakatulong pa brainliest naman po