EsP 10 LAGUMANG PAGSUSULIT 2.2 (Ikalawang Markahan – Modyul 6)
S.Y. 2020 – 2021
Panuto: Basahin ng maigi ang mga pahayag at bilugan ang titik na may pinakaangkop na kasagutan.
1. Ang tanging nakakaalam sa layunin ng kilos sa tao ay ang _______.
A. sarili at kapwa
B. sarili at magulang
C. sarili at guro
D. sarili at Panginoon
2. Ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa
kanyang kilos-loob at pagkukusa ay tinatawag na ________________.
A. gawi
B. takot
C. karahasan
D. masidhing damdamin
3. Sa anumang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na ________ sapagkat mula rito ay
mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
A. panahon
B. pag-iisip
C. kaalaman
D. pananagutan
4. Ito ay isang uri ng masidhing damdamin na pagkakaroon ng panahon na alagaan ang damdamin at ginagamit na
dahilan o paraan sa ikinikilos.
A. Nauuna (Antecedent)
B. Nahuhuli (Consequent)
C. Pang gitna (Middle)
D. Wala sa nabanggit
5. Nakakaapekto sa ating kilos ang salik na _____ dahil salat ang ating kaalaman sa dapat gawin ng tao .
A. gawi
B. takot
C. karahasan
d. kamangmangan
6. Dito nakaugat ang lahat ng mga birtud na ating nagawa dahil ang _____ay sukatan sa ating malasakit sa sarili at
kapwa na walang hinihintay na kapalit kagaya ni Mother Teresa.
A.pagka- awa
B. pagka-muhi
C. pagmamahal D.pag-malasakit
7. Mahirap sa buhay ang pamilya ni Francis ngunit hindi nakakalimutan ng kanyang Nanay na magbayad ng buwis,
dahil ito ay makataong kilos na isang ______ ng bawat mamamayang Pilipino.
A. bahagi
B. tradisyon
C. obligasyon
D. nakasanayan
8. Obligado ang tao na kumilos ng may ____ para sa sarili at kapwa.
A. kabutihan
B. pananagutan
C. pagkukusa
D. lahat ng nabanggit
9. Isang _______ ng bawat mag-aaral na galingan ang bawat ipinapagawa ng mga guro sa paaralan at sa pagsagawa
ng mga takdang-aralin para na rin sa kanilang kinabukasan.
A. gawi
B. layunin
C. obligasyon
D. katotohanan
10.Ito ay isang uri ng masidhing damdamin ____________kung saan ang damdamin ay nadarama o napupukaw
kahit hindi niloob o sinadya.
A. takot
B. pagsang-ayon
C. nauuna (Antecedent)
D. nahuhuli (Consequent)
11. Ang tao ay may pananagutan na pangasiwaan ang kanyang sariling ______ para hindi makapanakit sa sarili at
kapwa.
A. gawain
B. emosyon
C. layunin
D. wala sa nabanggit
12. Maaring makulong o makapatay ang isang tao kapag pinapairal niya ang salik na ____ na labag sa batas ng
Panginoon at ng pamahalaan.
A. takot
B.inggit
C.galit
D. karahasan
13. Dapat iwaksi ng mga tao ngayon lalong-lalo na ang mga kabataan ang salik na ____dahil kulang na sila sa
motibasyon upang kusang kumilos,pabaya na sa Gawain at walang pagkukusa.
A. kasibaan
B. kahalayan
C. katamaran
D.kasakiman
14. Ayon kay Arestoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti , ito ay nakasalalay
sa ____________kung bakit ginawa ito.
A. obligasyon
B. intensiyon
C. pananagutan D. katotohanan
15. Malaking impluwensiya sa kilos ng tao ang ____ kaya pinaaalahanan ang pamilyang Pilipino sa MTRCB na sa
bawat palabas ay sana ginagabayan natin ang mga bata laban sa karahasan,droga at iba pang malalaswang
napanood.
A. kapwa
B. nternet
C. telebisyon
D. i kapaligiran
16. Gaano man kahirap ang mga gawain, nagiging magaan at madali ito kapag may ___________.
A. pagdadamayan
B. kaligayahan
C. pagtutulungan
D. lahat ng nabanggit
17..Mahal natin ang ating bansa kaya patuloy tayong maglingkod nito at huwag manghina sa mga madaming isyu na
kinakaharap,simulan sa sarili ang kapayapaan. Salik ito na _____.
A. pag-asa B. kahinaan
C. kaayusan
D..pagnanais
18. Kararating lamang ni Celia sa Mandaue at hindi niya alam ang mga batas trapiko kaya siya ay nahuli. Ang
nagtulak sa kilos na ito ay kanyang ______.
A.gawi
B.takot
C.karahasan
D. kamangmangan
19. Sa kabila ng kahirapan at pagkasunog ng bahay nina Carla patuloy pa rin siyang nanalig sa Panginoon at nag-aral
ng maigi dahil alam niya na balang araw ay makamtan niya ang kanayang pangarap na makapagtrabaho ng matino.
Isang positibong salik na _______ ang nag-udyok sa kanya.
A.pag-asa
B. pag-ibig
C.pagnanais
D. kaligayahan
20.Ang mga sumusunod ay masidhing damdamin na mga positibong emosyon na nagtulak sa tao na maging
maligaya sa kabila ng napagdaanan nating pandemya; maliban sa ______.
A. pag-asa
B. pag-ibig
C.pagnanais
D. pagkapoot
Answers & Comments
Answer:
1.D
2.C
3.A
4.A
5.A
6.A
7.C
8.C
9.C
10.C
11.A
12.C
13.C
14.D
15.C
16.C
17.D
18.B
19.A
20.A