Questions


September 2022 1 3 Report
1.) Ang sangay na tagapagpaganap ay binubuo ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, at Gabinete ng bansa. Ang pahayag ay ______________. *
A. Tama
B. Mali
C. Maaaring tama
D. Hindi sigurado

2.) Ang gabinete ay binubuo ng iba’t-ibang ahensiya o kagawaran. Sino ang namumuno sa bawat ahensiya o kagawaran? *
A. Senador
B. Kinatawan
C. Kalihim
D. Ispiker

3.) Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng gampanin ng pamahalaan sa larangan ng edukasyon? *
A. Pinangangalagaan ang seguridad ng bansa.
B. Nagbibigay ng serbisyong medikal sa bawat barangay.
C. Nagpapatayo ng mga bagong tulay at iba pang impraestruktura upang mapabilis ang transportasyon.
D. Nagpapatayo ng mga pampublikong paaralan at nagbibigay ng iskolarship sa mga mag-aaral.

4.) Isa sa mga Kagawaran o ahensiya ang Kagawaran ng Panlipunang Paglilingkod at Pagpapaunlad. Ano ang kahulugan ng DSWD sa salitang Ingles/ English? *
A. Department of Security Welfare and Development
B. Department of Sustainable Welfare and Development
C. Department of Sensible Welfare and Development
D. Department of Social Welfare and Development

5.) Kabilang sa mga gawain ng Kagawaran ng Enerhiya ay ang pagtiyak na napangangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa. Ang pahayag ay __________. *
A. Tama

B. Mali
C. Maaaring tama
D. Hindi sigurado

6.) Ang ahensiyang ito ang nangunguna sa pangangalaga sa kapakanang pangkalusugan ng mga mamamayan ng bansa. *
A. DOH
B. DOJ
C. DOE
D. DOT

7.) Ano ang pinapangasiwaan ng Department of the Interior and Local Government, DILG? *

A. Kapakanan ng mga manggagawa sa loob at labas ng bansa.

B. Namamahala sa mga usaping may kinalaman sa mga lokal na pamahalaan.

C. Namamahala sa tamang paggastos ng pamahalaan.

D. Nangangalaga sa pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon sa bansa.

8.) Ang pagtustos sa lahat ng gastusin ng mamamayan ng bansa ay isa sa mga gampanin ng ating pamahalaan. Ang pahayag ay ______________. *

A. Tama
B. Mali
C. Maaaring tama
D. Hindi sigurado

9.) Ang mga kinatawan ay pinamumunuan ng isang Ispiker na inihalal o ibinoto ng mga _____________.
A. Senador
B. Gobernador
C. Kinatawan
D. Alkalde o Mayor

10.) Ang sangay na Tagapaghukom ay binubuo ng isang Punong Mahistrado at 41 (apatnapu’t – isa) na katulong na mahistrado. Ang pahayag ay _______________.

A. Tama
B. Mali
C. Maaaring tama
D. Hindi sigurado

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.