E Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gawin ang sumusunod nang may kapareha. Maaaring humingi ng tulong sa magulang o sino mang kasama sa bahay. Ilarawan ang galaw ng iyong katawan. Isulat sa Sagútáng papel ang E (Excellent) kung naisagawa ito ng napakahusay, G (Good) kung mahusay at P (Poor) kung hindi wasto ang galaw. carne Galaw at Tikas ng katawan Paglalarawan Pagtayo 1. Ang mga paa ay magkahanay na may lima hanggang pitong sentimetro ang pagitan sa isa't isa. Ang bigat ng katawan ay nakasalalay sa kabuuan ng mga paa. 2. Ang mga tuhod ay tuwid at nakarelaks. 3. Ang dibdib ay nakaliyad at ang tiyan ay nakapasok. 4. Ang ulo at balikat ay tuwid ang ayos. 5. Ang braso at kamay ay tagiliran. Pag-upo 1. Ang mga paa ay magkadikit, magkahanayo maaaring ang isa ay nasa unahan ng isa at nakalapat sa sahig. 2. Ang balakang at tuhod ay nakabaluktot. 3. Ang ibabang bahagi ng likod ay bahagyang nakalapat sa likuran ng upuan. 4. Ang katawan ay tuwid at magkalinya. Mayang nakalagay sa Paglakad 1. Lumalakad ang mga paa sa iisang tuwid na guhit. 2. Ang mga kamay ay umiimbay nang halinhinan paharap at patalikod nang may koordinasyon sa galaw ng paa. 3. Ang likod na bahagi ng katawan ay tuwid at ang paningin ay nakatuon sa harap.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.