Questions


October 2022 1 3 Report
DIAGNOSTIC TEST

PANUTO:

Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong:

1. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasiya?

a. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.

b. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin.

c. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng

gagawing tira.

d. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.

2. Ang pakahulugan sa moral dilemma ayon kay Kohlberg “Ito ay mga sitwasyong

nagpapahayag ng dalawang magkasalungat na posisyon na kinapapalooban ng

dalawang magkaiba o nagtutunggaling pagpapahalaga. Ibig sabihin nito na:

a. Mahirap ang magpasya dahil ito ay nagiging sanhi ng pagtatalo ng isip tungkol

sa mga iba’t ibang mga posisyon.

b. Ang pagpapasiya ay nababatay sa ating mga pagpapahalaga.

c. Ang pagpapasya ay pagpili sa maraming pamimilian.

d. Madali lang magpasya kung alam natin ang sarili nating mga pagpapahalaga.

3. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasya. Ibig sabihin nito na:

a. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.

b. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.

c. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos – loob.

d. Kailangang pinag – iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.

4. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari

kang magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong …

a. Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong

pagsusuri.

b. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakakikilos hanggang hindi ka

nakapipili.

c. Gawin na lamang ang kung ano ang magpapasiya sa iyo.

d. Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami.

5. Ang higher good ay tumutukoy sa:

a. Kagandahang loob sa bawa’t isa

b. Kabutihang panlahat

c. Ikabubuti ng mas nakararami

d. Ikabubuti ng mahal sa buhay

6. Una at pinakamahalagang sangkap ng anomang

proseso ng pagpapasya ay_____________a. panahon

b. pag-asa

c. kasiyahan

d. katalinuhan

7. ang instrumento o gamit ng mabuting pagpapasya___________

a. kasiyahan at katalinuhan

b. isip at damdamin

c. puso at damdamin

d. puso at isip

8. Ang lahat ng ito ay ang mga hakbang sa paggawa ng wastong pagpapasya maliban sa

a. Magnilay sa mismong aksyon

b. Magkalap ng kaalaman

c. Tayain ang puso sa napiling

isasagawang pasya

d. Pag-aralang muli ang pasya

9. Ang _________ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya

a. panahon

b. damdamin

c. pagpili

d. pagpapahalaga

10. Saan inihalintulad ni Sean Covey ang personal na layunin sa buhay?

a. sa isang puno na may malalin na ugat

b. sa isang bahay na may malalim na haligi

c. sa isang taong may malawak na kaisipan

d. sa isang mag-aaral na may pagsisikhay

sa pag-aaral

11. Ito ang sumamasala ng anomang natuklasan ng ating isip upang pagbatayan ng pagpili,

upang gawing natin ang pagpapasiya

a. damdamin

b. isip

c. panahon

d. plano

12.Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mabuting pagpapasya?

a. Pinagninilayan natin ang sitwasyon

b. Naghahanap tayo ng mga impormasyon at tinitimbang natin ang mga kabutihan at

kakulangan sa ating mga pamimilian

c. Hinihinuha natin ang mga maaring kahantungan o maging epekto ng mga ito

d. Ipinagpapaliban natin at pinagsasawalang bahala ang mga datos tungkol sa suliraning nais

nating malutas13. Ito ang pinakamabisang paraan na maaaring gawin upang ganap na maging malinaw kung

ano talaga ang plano ng Diyos para sa atin.

a. panalangin

b. pagpapasya ayon sa konsensya

c. pagsasabi ng totoo

d. lahat ng nabanggit

14.Tinatawag na ang pagkakaroon nito ay isang mabuting giya o gabay sa ating mga

pagpapasya.

a. personal mission statement

b. personal vision statement

c. friendly advice

d. higher good

15. Ang mga sumusunod ay ilang mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa kanyang aklat.

Alin ang hindi kabilang dito?

a. Mangolekta ng mga kasabihan o motto.

b. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”

c. Magnilay sa mismong aksiyon

d. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip

16. Sinunod ni Juan ang kanyang pasya na kumuha ng kursong edukasyon sakolehiyo lingid

sa kagustuhan ng kanyang ama. Ano ang katangian ang pinakitani Juan sa pagpili ng

kurso?

a. Pagtayo sa sarili nitong mga paa

b. Pagpapakita ng katatagan ng sarili

c. Pagbuo ng sariling pagpapasya

d. Pagiging agresibo sa pagpapasya

17. Karaniwan na ang linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapagpasya, ano ang

ibig sabihin nito?

a. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasya ay nakabatay sa panahon

b. Ang taong tinutukoy ay hindi pa handa para makapagpasya

c. Madaling gumawa ng pagpapasya

d.Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasya ang panahon

18. Anong kognitibong laro ang maihahalintulad sa proseso ng pagpapasya?

a. Computer games

b. Sudoku

c. Crossword puzzle

d. Chess

19. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sangkap ng proseso ng

pagpapasya?a. Damdamin

b. Panahon

c. Isip

d. Lugar


Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.