Questions


September 2022 1 5 Report
C. PAGSANAYAN MOI Basahin ang kuwento.

"Si Annie, Ang kusinera"

(Banghay Aralin sa Filipino 5, Kwarter 1)

Si Annie ay isang kusinera. Kilalang-kilala siya sa bayan ng Dansalan dahil napakasarap niyang magluto. Bihira ang handaan lalo na kung pista na hindi siya ang nagluluto. Marami siyang alam na lutuin tulad ng mga pagkaing Pilipino, Intsik, Espanyol, at Italyano.
Bukod sa mahusay mangusina si Annie, napakamalikhain pa niya sa mga inihahandang pagkain. Masarap at kasiya-siya ang mga pagkaing inihahanda niya.
Napananatili niya ang likas na kulay at lutong ng gulay. Iba-ibang hugis ang ginagawa niya sa mga sangkap na sili, luya, at sibuyas. Napabubuka niya ang repolyo na akala mo ay isang malaking rosas.
Katakam-takam! Masarap at maganda na ang mga ulam na luto ni Annie, mabango pa ito. Nakalilikha siya ng amoy ng ulam na kapag nalanghap mo ay gugutumin ka. Marami ang nagtatanong kung ano ang kanyang sikreto kung bakit kahit kaunti lang ang sahog ay nakatatakam ang luto niya, lisa lang angsagot niya sa mga nagtatanong. Ang kanyang mga iniluluto ay pawang sariwa, masustansiya, at mura. Ang lasa at sarap ng pagkain ay umaayon sa tamang sangkap na ginagamit niya sa pagluluto. Maayos niyang iniluluto ang mga sangkap. Pinalalambot muna ang karne bago isama ang gulay. Dapat hindi hilaw o hindi labog ang pagkakaluto. Tama ang lapot o labnaw ng sabaw. Katakam-takam ang anyo at kulay. Tama ang lasa at pagkakatimpla, yun ang sikreto niya.

Sagutin sa buong pangungusap ang mga katanungan sa ibaba.

1. Ano ang trabaho ng pangunahing tauhan sa kwento?

2. Saang bayan siya kilalang-kilala? Bakit?

3. Ano ang mga alam niyang lutuin?

4. Paano inilarawan ang ulam na luto ni Annie?

5. Ano kaya ang paksa o pangkalahatang kaisipan sa kwentong iyong napakinggan?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.