Bakit napakahalaga ng pakikipagkapwa tao, paano ito makakaapekto sa ating sarili pamumuhay at pagtamo ng ating sariling kaganapan at pag-unlad ng lipunang ating kinabibilangan?
Sino-sino ba ang ating kapwa? Anu-anung impluwensiya ng pakikipagkapwa sa iyong sariling pagkatao?
Non sense answer Auto Report
Answers & Comments
Answer:
Bakit napakahalaga ng pakikipagkapwa tao, paano ito makakaapekto sa ating sarili pamumuhay at pagtamo ng ating sariling kaganapan at pag-unlad ng lipunang ating kinabibilangan?
Ang pakikipagkapwa ay ang kakayahang makipag-ugnayan sa ibang tao. Naipakikita ito sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa kapwa, kakayahang umunawa sa damdamin ng iba (empathy), pagtulong at pakikiramay, bayanihan, at sa pagiging mapagpatuloy (hospitable).
Sino-sino ba ang ating kapwa?
Ang ating kapwa ay taong mga nangangailangan ng awa, ng unawa at ng mabuting gawa. Tayo nawa ay maging katulad ng mabuting Samaritano, na makita ang mga taong tunay na nangangailangan ng tulong sa araw-araw, sa pamamagitan ng Panginoon.
Anu-anung impluwensiya ng pakikipagkapwa sa iyong sariling pagkatao?
Ang pakikipagkapwa ay nakakatulong ng sobra sa pag unlad ng ating pagkatao. Bilang isang tao kailangan mong makipagkapwa o makisama sa mga kapwa mong tao para mas marami ang makilala mo at makasalamuha.
Dahil kapag mas marami kang kakilalang tao at magaling ka makipagkapwa at papakisamahan ka rin nila base sa iyong pinapakita. Mapapaunlad ng pakikipagkapwa ang iyong pagkatao dahil kung mas marami ang nakakasalamuha mong tao ay mas marami rin ang pwedeng tumulong sayo at mas magiging maganda pakikitungo mo sa iba.