Bakit mahalagang bigyang-pansin ang mga aral at pangarap ng magulang para sa anak?
Bilang mga anak, mahalagang bigyang-pansin natin ang mga aral at pangarap ng ating mga magulang dahil ang lahat ng ito ay para sa mas ikabubuti natin. Palagi nating isaisip at isapuso ang mga ito upang maging gabay natin sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa at para sa pagtupad ng ating mga pangarap. Iwasan natin ang maging pasaway upang walang maging problema ang ating mga magulang. Iparamdam natin ang ating pagmamahal sa pamamagitan ng paggalang, pagrespeto sa kanilang mga desisyon at lalo't higit ay ang pagsunod sa kanilang mga utos at paalala.
Paano ito magagamit upang magsumikap at maging matagumpay sa buhay?
Magagamit natin ang mga aral at pangarap ng ating mga magulang para sa atin kung patuloy nating isasabuhay at isasaisip ang mga ito. Isapuso rin natin ang mga aral na natututunan natin sa kanila na magsisilbing ating gabay upang magtagumpay sa buhay. Ang mga aral na ito ang magiging sandata natin upang tayo ay magpatuloy na mangarap at abutin ang lahat ng mga bagay na gusto nating makamit.
Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na nasa ibaba:
Answers & Comments
Verified answer
Answer:

Kahulugan ng Magulang: brainly.ph/question/322991
Kahalagahan ng Pagmamahal ng mga Magulang: brainly.ph/question/15871
Sanaysay tungkol sa Pagmamahal sa Magulang: brainly.ph/question/2029632
#LetsStudy