Bakik-tanaw
Basahin at unawain ang mitolohiya. Ibigay ang buod o lagom ng teksto sa limang
pangungusap. Markahan ang iyong sarili gamit ang rubriks sa ibaba.
Nanirahan si Ku bilang magsasaka. Sa pamamagitan ng kaniyang malalakas na
bisig, inuurong niya ang malalaking tipak ng baton ang walang kahirap-hirap. Dahil
sa kaniyang matikas na pangangatawan, maraming babae ang nagkakagusto sa
kaniya. Ngunit isang babae ang nagpatibok ng kaniyang puso. Sila ay nagsama at
nagsimulang mamuhay bilang mag-asawa.
Maraming taon ang lumipas. Nagkaroon ng matinding taggutom sa nayon.
Upang masagip ang kaniyang pamilya at ang buong nayon, inilubog ni Ku ang
kaniyang sarili sa lupa hanggang ang makikita na lang ay ang kaniyang ulo. Diniligan
ito ng kaniyang asawa ng kaniyang mga luha at ang buong pamilya ay buong
magdamag na nagbantay sa lugar na iyon.
Ilang araw ang lumipas, may napansin silang sumisibol na maliit na dahon sa
lugar na kung saan ibinaon ang ulo ni Ku. Namangha ang buong pamilya sa mabilis
nitong paglaki.
At sinabi ni Ku sa kaniyang asawa, “Ang mga sanga ng punong ito ay ang aking
mga kamay at ang bunga ay ang aking ulo. Sa puso ng bawat bunga ay ang alaala ng
aking salita. Lutuin mo ang bunga at balatan upang kayo ay makakain.”
Nang malaman ito ng buong nayon, nag-unahan ang taong bayan sa pagkuha
ng bunga. Hindi ito nagustuhan ni Ku kung kaya’t bigla na lamang nilamon ng lupa
ang puno. Muling nagsalita si Ku sa kaniyang asawa, “Itanim ninyo ang mga bagong
sibol at ipamahagi ang mga ito sa inyong pamilya at kaibigan.”
Ang mga itinanim na bagong sibol ay mabilis ding lumago. Nagkaroon na ng
makakain ang taong-bayan at pati na rin ang mga karatig-nayon. Ang prutas na ito ay
kilala ngayon bilang breadfruit tree.
-Mula sa “The Gift of Ku” ni Caren Loebel-Tried
Answers & Comments
Answer:
Explanation:
Ayan po answer ko sa module laki brainliest nalang po heheh