B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung anong estratehiya sa pangangalap ng impormasyon ang ginamit sa
sumusunod na mga sitwasyon.
-Pagsasaliksik sa Silid-Aklatan
-Imersiyon
-Sarbey
-Brainstorming
-Pagtatanong
1. Si Karlyn ay pumunta sa baguio upang makasalamuha at malaman ang kultura ng mga Ifugao.
Tumira siya doon ng limang araw upang madanas niya kung anong klaseng pamunuhay
mayroon sila.
2. Si Jovien ay isang massCom sa paaralang Makabuti. Kinailangan niyang makagawa ng isang
report para iulat ito sa radio. At sa kanyang paglalakad ay may narinig siyang naghihiyawan at
nagtatakbuhan kaya lumapit siya at nagtanong sa mga residente tungkol sa pangyayari.
Nagtanong siya sa mga tao kung ano ang totoong nangyari, saang lugar ito, kailan ito ng
yari(tamang oras), sino ang mga sangkot, bakit ito nangyari at paano nalutas ang pangyayari.
3. Si Karlyn, Jovanna, Rowelyn at Lesvie ay nagpunta sa isang malapit na coffee shop sa kanilang
paaralan upang talakayin ang kanilang paksa sa research. Sila ay nagpalitan ng mga ideya at
opinyon para makabuo ng impormasyon hingil sa paksa.
4. Gumawa si Rolina ng isang talatanungan upang ibigay at pasagutan sa kanyang responde ang
mga ito.
5. Oras na ng uwian at si Rowelyn ay nanatiling nagbabasa ng mga artikulo, magasin at dyornal
sa loob ng silid-aklatan upang mangalap ng mga impormasyon hingil sa kanyang paksa.
Answers & Comments
Answer:
1. Imersiyon
2. Pagtatanong
3. Brainstorming
4. Sarbey
5. Pagsasaliksik sa silid aklatan
Answer:
1 sarbey
2 pagtatanong
3 brainstorming
4 imersiyon
5 pagsasaliksik sa silid-aralan