Ano-anong kulturang Pilipino ang nakita sa akda na Manik Buangsi?
(Kuwentong Bayan mula sa Zamboanga Peninsula)
Noon ay may isang Sultan na may pitong anak na pawang mga dalaga, isa
na rito si Tuan Putli. Si Tuan Putli na marahil ang itinuturing na pinakamaganda
sa mga magkakapatid at sa katunayan ay marami ng kalalakihan na may dugong- bughaw ang sumubok na siya ay ligawan. Wala sa kanila ang nais ni Tuan Putli
sapagkat mula sa kaniyang panaginip ay mayroon ng nakatadhana sa kaniya. Siya
si Manik Buangsi. Si Manik Buangsi ay hindi pangkaraniwang nilalang. Siya ay
naninirahan sa pook ng mga diyos at sa panaginip lamang nagtatagpo ang dalawa. Isang araw ay hindi na rin nakatiis si Manik Buangsi at humiling kay Allah
na siya’y pahintulutang bumaba sa lupa. Agad siyang nakababa sa lupa ngunit sa
anyo ng isang ginintuang bayabas. Napasakamay siya ng isang pulubi na agad
namang iniabot kay Tuan Putli bilang kapalit sa pagbibigay limos nito sa kaniya. “Itanim mo ito sa iyong hardin, ang bunga nito ay siya mong magiging
kapalaran,” sabi ng pulubi. Sinunod ng dalaga ang payo ng pulubi. Hindi rin nagtagal ay nagbunga
agad ito at siyang pinitas ang pinakamalaki at pinakamagandang bunga nito. Sa loob ng bunga ay nananahan si Manik Buangsi. Sa gabi ay bigla na
lamang itong nagliliwanag at kasabay nito ay ang paglabas ng isang makisig na
nilalang. Ito ay tila hindi nababatid ng dalaga dahil sa himbing ng kaniyang
pagkakatulog. Naging gawain na niya na pagmasdan ang magandang dalaga. Sa
hindi inaasahang pagkakataon ay nakatulog si Manik Buangsi at sa kaniyang
pagdilat ay nakatingin sa kaniya si Tuan Putli. “Ikaw nga! Ikaw nga ang aking tadhana!” napamanghang sambit ng dalaga. “Oo. Narito ako upang ikaw ay aking mapangasawa,” masayang bigkas nito. Naging mag-asawa ang dalawa at nanatili sa lupa. Sa kabilang dako ay
nanibugho ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kaniya, kaya siniraan ng mga ito si
Manik Buangsi. “Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo siguro’y may ibang pakay siya sa
iyo!” sabi ng isa. “Sa kisig niyan ay siguradong marami na ang mga kababaihan ang
nalinlang niya,” ayon naman sa isa. “Malamang ay isang masamang espiritu ang nananahan sa kaniya!” panakot naman ng isa.
Napanghinaan ng pagtitiwala si Tuan Putli sa kaniyang asawa matapos
niyang marinig ang mga paninira ng kaniyang mga nakatatandang kapatid. Unti-unting nalason ang isipan ni Tuan Putli na naging dahilan ng madalas
niyang pagseselos sa kaniyang asawa. Hindi na makatiis si Manik Buangsi at
nagpasiyang babalik na lamang sa lugar na kaniyang pinanggalingan. Dahil sa taglay na kapangayarihan ni Manik Buangsi ay agad siyang
nakapagpalabas ng isang kabayong puti at isang kris (espada) na kaniyang
gagamitin sa paglalakbay sakaling may mga makasagupa siya pabalik sa kanilang
kaharian. Laking pagsisisi ni Tuan Putli at agad na humingi ng tawad sa kaniyang
asawa. Marahil ay bunga lamang ito ng lubos niyang pagmamahal sa kaniyang
asawa. Nagpasiya si Manik Buangsi na isama si Tuan Putli. Sa kanilang paglalakbay ay bigla silang binalot ng makapal na usok na
parang may panganib na darating. Ang mga damo ay biglang naging kris at buong
tapang naman na sinagupa ito ni Manik Buangsi hanggang sa marating nila ang
isang mahaba at makipot na tulay. Ang tubig nito ay kumukulo at mula sa ilalim
ay maririnig ang daing ng mga nagdurusang kaluluwa. Dahil sa takot, mahigpit na yumakap si Tuan Putli sa kaniyang asawa. “Hindi ko ididilat ang aking mga mata hangga’t hindi natin natutulos ang
nakakikilabot na daang ito.” Habang tinatahak ang makitid na tulay ay nakarinig si Tuan Putli ng paulit- ulit na pagtawag sa pangalan nito. Ang tinig na yaon ay katulad sa tinig ng yumao
niyang ina. “Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan Putli!” Bigla nitong iminulat ang mga mata at napatingin sa ibaba. Dahil sa takot
ay nakabitiw siya kay Manik Buangsi at nahulog sa kailaliman. Mula noon ay malungkot at mag-isang naglakbay si Manik Buangsi pabalik
sa kanilang kaharian.
Answers & Comments
Answer:
kulturang mindanaoan