Patintero. Kadalasang nilalaro sa isang malawak na espasyo. Kadalasan sa kalye. Kadalasan sa basketbol kort. Kadalasang tatlo hanggang limang manlalaro sa kada koponan. Kadalasang dalawa hanggang apat na guhit na parisukat. Kadalasan… kadalasan sa sinasabi ko ngayon, ay kadalasan. Napapadalas na.
Pero alam ninyo ba, na kadalasan…, este ang patintero ay hindi lang basta simpleng laro ng mga bata? Kahit hanggang ngayong matatanda na kayong lahat, bata pa rin ako, naglalaro pa rin tayo ng patintero. Pero hindi na sa kalye. Nilalaro na natin ito sa totoong-buhay. Pero hindi na din ito tulad ng dati, na kapag nataya ka, pwede kang magprotesta na dinaya ka. Pwedeng mag-ulitan. Pwedeng ka ding mandaya. Pwedeng umayaw kapag sawa na. Pwedeng suntukin ang kalaro kapag inaasar kayo na lagi kayong talo. Pwedeng pwede… Pero iba na ngayon.
Answers & Comments
Answer: