Pag-ibig ang sukatan ng ating pananampalataya, inspirasyon sa ating pagsunod, at lalim ng ating pagkadisipulo.
mga Banal sa mga Huling Araw ay patuloy na umuunlad at nagiging mas kilala sa buong mundo. Bagaman laging may mga taong negatibo ang tingin sa Simbahan at sa mga miyembro nito, iniisip ng karamihan na tayo ay matatapat, matulungin, at masisipag. Ang nakikita ng ilan ay mga misyonerong maayos ang gupit, mapagmahal na mga pamilya, at mababait na kapitbahay na hindi naninigarilyo o umiinom. Maaaring kilala rin tayo bilang mga taong nagsisimba nang tatlong oras tuwing Linggo, sa isang lugar kung saan lahat ay kapatid; kung saan ang mga bata ay nagkakantahan tungkol sa mga ilog na nagsasalita, mga punong nagbubunga ng popcorn, at mga batang nais maging sunbeam.
Mga kapatid, sa lahat ng bagay na gusto nating makilala tayo, may mga katangian bang nangingibabaw sa lahat na dapat makita sa atin bilang mga miyembro ng Kanyang Simbahan, maging bilang mga disipulo ni Jesucristo? Mula noong huling pangkalahatang kumperensya natin anim na buwan na ang nakararaan, napag-isipan ko na ito at ang mga tanong na katulad nito. Gusto kong ibahagi sa inyo ngayon ang ilang kaisipan at damdaming dumating bunga ng pagtatanong na iyon. Ang unang tanong ay:
Paano Tayo Nagiging Tunay na mga Disipulo ni Jesucristo?
Ang Tagapagligtas ang Siyang sumagot sa malalim na pahayag na ito: “Kung ako’y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.”1 Ito ang buod ng kahulugan ng pagiging disipulo: yaong mga tumatanggap kay Cristo Jesus ay sumusunod sa Kanya.2
Ngunit maaari itong magdulot ng problema sa iba dahil napakaraming “dapat” at “hindi dapat” gawin at subaybayan lang ang mga ito ay mahirap na. Kung minsan, ang magagandang paliwanag tungkol sa mga banal na alituntunin—na marami ang di- inspirado ang pinagmulan—ay mas nakakagulo, kaya naglalaho ang kadalisayan ng banal na katotohanan sa mga idinagdag ng tao. Ang magandang ideya ng isang tao—na maaaring umubra sa kanya—ay nag-uugat at nagiging ekspektasyon. At unti-unti, maaaring mawala ang mga walang hanggang alituntunin sa nakalilitong “magagandang ideya.”
Ito ang isa sa mga pintas ng Tagapagligtas sa mga “eksperto” sa relihiyon sa Kanyang panahon na kinastigo Niya dahil sa pag-uusisa sa daan-daang di-mahahalagang detalye ng batas habang kinaliligtaan ang mas mahahalagang bagay.3
Kaya paano tayo mananatiling nakaayon sa mas mahahalagang bagay na ito? May palagiang gabay ba na makakatulong para maipriyoridad natin ang ating buhay, iniisip, at ginagawa?
Muling inihayag ng Tagapagligtas ang paraan. Nang itanong kung ano ang pinakadakilang utos, hindi Siya nag-alangan; “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo,” wika Niya. “Ito ang dakila at pangunang utos.”4 Kasama ang pangalawang dakilang utos—na ibigin ang kapwa gaya ng ating sarili5—may gabay tayong pumapatnubay hindi lang sa ating buhay kundi maging sa Simbahan ng Panginoon sa magkabilang panig ng tabing.
Dahil pag-ibig ang dakilang utos, dapat ay ito ang sentro ng lahat ng ating ginagawa sa ating pamilya, sa ating mga tungkulin sa simbahan, at sa ating hanapbuhay. Pag-ibig ang balsamong nagpapahilom sa mga hidwaan sa personal na relasyon at sa pamilya. Ito ang bigkis na nagbubuklod sa mga pamilya, komunidad, at bansa. Pag-ibig ang kapangyarihang nagpapasimula ng pagkakaibigan, pagpaparaya, pagpipitagan, at respeto. Ito ang kapangyarihang dumaraig sa di-pagkakaisa at poot. Pag-ibig ang ningas na nagpapaalab sa ating buhay sa walang-kapantay na galak at banal na pag-asam. Dapat tayong kumilos at magsalita nang may pagmamahal.
Answers & Comments
by waiting for it and not being so desperate
Answer:

.
.