Questions


October 2022 1 1 Report
Ang Tahanan ni Pipoy
(Isinulat ni: Kim Kim B. Cabusas)
Kaakit-akit at kaaya-ayang pagmasdan ang bakuran at bahay nila Pipoy. Araw-araw itong nililinisan at inaalagaan ng kanyang ama at ina, habang si Pipoy naman ni minsan ay hindi naisipang tumulong sa paglilinis sapagkat paglalaro lang ng computer games ang palaging inaatupag nito. Dumating ang araw na kailangang pumunta ng kanyang ama na si Popoy sa ibang bansa para duon mag trabaho, kaya sinabihan siya nito na siya na ang gagawa sa paglilinis ng bakuran para mananatili itong malinis, maganda at ligtas. Ngunit hindi ito sinunod ni Pipoy, pinabayaan niya ang kanyang mga tungkulin na bilin ng ama, hanggang sa isang araw biglang nilagnat ang kanyang ina na si Pipay, agad niyang tinawagan ang ama para sabihin ang nangyari sa ina at sinabihan siya nito na samahan sa doctor. Alalang-alala si Pipoy sa nangyari, inisip kaagad niya kong ano ang dahilan bakit nagkasakit ang ina. Ilang saglit pinatawag siya ng doctor at duon nalaman niya na nagka dengue ang ina. Mangiyak-ngiyak na nilapitan ni Pipoy ang kanyang ina at humingi siya ng patawad ng dahil sa kapabayaan niya, hindi niya nalinis ang mga pinamahayan ng mga lamok sa kanilang bakuran at ito ay isa sa mga dahilan kong bakit nagkasakit ng dengue ang ina niya na si Pipay. Malaki ang pagsisi ni Pipoy sa nangyari kaya mula nuon palagi na niyang nililinis ang kanilang bakuran.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong;

1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento? 2. Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang sakit na dengue?
3. Sa iyong palagay may maganda bang naidudulot ang pagkakaroon ng malinis na bahay at bakuran? Ano?
4. Bakit kailangan sundin ang payo o utos ng ating mga magulang?
5. Bakit kailangang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.