Questions


August 2022 1 7 Report
Ang Reynang Matapat Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa ating kapuluan ay dinarayo na ng mga mangangalakal na Arabe, Tsino at Hindu ang kaharian ng Kutang-bato na pinamumunuan ni Reyna Sima. Si Reyna Sima ay isa sa mga reynang namuno ng isang kaharian sa kapuluan ng Mindanao. Nakilala siya dahil sa kaniyang katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na pamamalakad sa panunungkulan. Ang Kutangbato ang Cotabato ngayon na isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao. Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana ang mga taga Kutang-bato. Mahigpit niyang ipinasunod ang mga batas, at ang sinumang lumabag sa ipinag-uutos niya ay pinarurusahan. Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang paggalang, paggawa at katapatan ng kaniyang mga tauhan. Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Tsino sa Kaharian ng Kutang-bato. Napabalita ito dahil sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima, at sa katapatan ng kaniyang mga tauhan. Walang kaguluhan at walang nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal habang sila ay nasa kaharian ng Kutang-bato. Minsan, isang negosyanteng Tsinong nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa isang mesa sa palasyo. Hindi ipinagalaw ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan na walang gagalaw ng nasabing supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan nang sa gayon ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kaniyang pinag-iwanan ang supot ng ginto. Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan.


Ipagpatuloy mo.

Sino ang
pangunahing tauhan sa

kuwento?


Saan ang tagpuan ng

kuwento?


Bakit pinamagatang

Reynang Matapat ang kuwento?




kaylangan ko na po ngayon please tamang sagot please​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.