Ang Panaginip ng Hari
Ni Mae M. Besing, Mena Memorial National High School
Binalot nang lungkot ang kaharian ng Berbanya ng magkasakit nang
malubha si Haring Fernando. Nagbunga sa kaniya nang matinding pag-aalala at
pagkabalisa ang minsang bangungot ng hari. Maraming naging pagbabago sa
kaniyang pisikal na anyo dahilan sa di malamang sakit. Tunay na nagbigay nang
pangamba sa kaniyang pamilya at sa buong kaharian ang pangyayaring ito.
Nakita ng hari sa kaniyang malagim na panaginip ang isa niyang anak na si
Don Juan, kung saan kaawa-awa ang sinapit na kalagayan. Duguan ang prinsipe
dahil sa ginawa ng mga taong tampalasan o masasama. Kaawa-awa pa siyang
Pagtalakay sa Paksa

inihulog sa isang balon. Ito ang mga pangyayaring di mawaglit sa isipan ni Don
Fernando.
Ang dating mabunyi at masayahing hari ng Berbanya ay unti- unting naging
malungkutin at nanghina. Hindi na halos natutulog at kumakain, dahil sa labis na
pagkabalisa. Halos panawan na rin siya ng pag-asa sa mga pagkakataong iyon.
Isang medikong paham o manggagamot, ang nagmungkahi ng isang
natatanging lunas. Isang mahiwagang awit na magmumula sa isang mahiwagang
ibon. Ang sinasabing lunas ay matatagpuan sa bundok ng Tabor partikular sa
kumikinang na puno ng Piedras Platas. Ito ang Ibong Adarna.
Sa kagustuhan nilang gumaling ang hari, agad na inutusan ang panganay na
anak na si Don Pedro, upang hanapin at hulihin ang natatanging lunas para sa
tuluyang ikagagaling ng haring si Don Fernando.
Magaling! Sa pagkakataong ito, sagutan mo ang mga sumusunod upang
masukat ang iyong naging pag-unawa sa akda.
Pag-unawa sa binasa:
1. Anong suliranin ang natukoy sa teksto?
2. Ibigay ang dahilan o sanhi ng naging suliranin sa teksto.
3. Ano ang iminungkahi ng mediko o manggagamot upang maging mabuti ang
pakiramdam ng hari?
4. May maiiuugnay ka bang pangyayari sa akda na sa kasalukuyan ay
nangyayari rin sa mundo? Isalaysay ang iyong sagot.
5. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng problema o suliranin ang tao?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.