Questions


September 2022 1 3 Report
ANG PAG-IBIG NG DIYOS

Si Ben ay isang simpleng probinsyano na nangarap maging matagumpay na negosyante sa lungsod. Baon angsimpleng lakas ng loob at tiwala sa Diyos, lumuwas siya sa lungsod at nakipagsapalaran. Dahil likas kay Ben angpagiging matulungin, mabait at mapagkawanggawa, marami siyang natulungan. Bagamat salat sa materyal na mgabagay, di siya nagatubiling magkaloob ng oras at pagod para sa mga taong nangangailangan ng kanyang tulong.

Dahil sa taglay na kabaitan at kagandahan ng loob, naging matagumpay si Ben. Mula sa pagiging simpleng clerk aynapromote siyang bisor, na di kalaunan ay nauwi sa pagiging manager. Limang taon pa ang nagdaan, siya ngayon ayisa ng bise presidente ng kumpanya. Sa kanyang muling pagtapak sa kanilang lalawigan matapos ang matagal napanahon, marami ang nagitla sa tinamong tagumpay ni Ben. Ngunit mayroon ding mga nainggit at nanira sa kanya. Ngunit ang lahat ng ito ay di inalintana ni Ben. Patuloy siya sa kanyang pagiging matulungin at mapagbigay.Isang araw, may isang lalakeng pumasok sa bahay na kanyang tinutuluyan at tangka siyang pagnakawan ng siya’ymaalimpungatan. Sa kabiglaan, napasigaw si Ben na tila ikinagalit ng estranghero kasabay sa pagtutok sa kanya ngdala nitong baril. Di nakakilos si Ben sa pangamba sa kanyang buhay ngunit nabigla siya ng ibinaba ng estrangheroang nakatutok na baril at lumuhod ito sa kanyang harapan habang humihingi ng tawad. Tinanong niya angestranghero at ito ang isinagot sa kanya ng lalake.“Ikaw ang taong araw-araw na tumutulong na itawid ang ama kong lumpo sa highway kapag pauwi na siya galing sapagtitinda ng sweepstakes. Nakikita kita sa tuwing inihahatid mo ang tatay ko sa pintuan ng aming bahay. Ang sabing tatay ko, anghel ka na nagkatawang tao at ibinilin niya sa amin na tumulong din kami sa mga nangangailangankapag may pagkakataon bilang ganti sa mga kabutihang ibinigay mo sa kanya at sa aming pamilya. Kaya ngayon,humihingi ako ng tawad sa ginawa kong panloloob sa iyong tahanan at tangkang pananakit sa iyo. Mahal ka ng Diyosat nawa’y matulungan mo akong humingi ng tawad sa kanya.”Kapatid, ang lahat ng ginagawa nating kabutihan dito sa mundo ay parang mamisong inihuhulog natin sa alkansyanatin sa langit. Huwag kang mapagod at magsawa dahil ang lahat ng ito ay ginagawa natin upang ipadama sa lahatang pag-ibig ng Diyos tulad ng nadarama natin.

Sagutin:
1.) Ano sa mga puso na narito ang pinaka mahalagang salik sa pag - unlad ng iyong ispiritwalidad?
2.) Alin sa mga karanasan ni Ben ang naranasan mo na? Mag bigay ng halimbawa.
3.) Sa iyong palagay madali bang gawin ang mga ginagawa ni Ben?Bakit?
4.) Alin alin sa mga katangiang nasa loob ng puso ang taglay mo rin?
5.) Alin alin naman ang nais mo pang linangin sa iyong sarili? Bakit?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.