Ang Matapat ay Nagmamahal sa katotohanan Dolores S. Quiambao Sa aklat na Doctrine of the Mean, ipinaliwanag ni Confucius kung ano ang nagagawa ng katapatan sa tao at sa buong mundo: Napakahalaga ng katapatan sa buhay ng tao. Ang taong matapat ay may pagmamahal sa katotohanan. Hindi niya kinakailangang magpanggap, nakakikilos siya nang tama. Ang taong nagmamahal sa katotohanan ay pumipili kung ano ang mabuti, at isinasabuhay niya ito. Ang katapatang ito ay nagiging kitang-kita. Mula sa pagiging kitang-kita, ito ay kaniyang ikinikilos. Mula sa kaniyang ikinikilos, ito ay nagiging maningning. Dahil sa maningning, naapektuhan nito ang iba. Dahil naapektuhan ang iba, sila ay nababago nito. Dahil nababago sila nito, nagiging ganap itong pagbabago. Siya lamang na nagtataglay ng kompletong katapatan ang maaaring manatili sa langit upang makapagbago nang tuluyan. Ang pagmamahal sa katotohanan ay nakatutulong sa mga tao na maging matapat lalo sa pangangalap ng tamang impormasyon. Hindi basta-basta naniniwala sa mga sinasabi ng mga tao. Tinitiyak niya ang mga datos sa tunay na pangyayari. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang sinasabi sa aral ni Confucius? 2. Ano-ano ang naidudulot ng katapatan sa tao? 3. Sa inyong binasa, paano matitiyak ang ganap na pagbabago? Ihalintulad ito sa inyong sariling mga pagpupunyagi. Ano-ano ang mga ito?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.