Questions


October 2022 1 3 Report
Ang Lobo at ang kambing


Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon upang maka-ahong palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan. Noo'y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo. Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing. "Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon." "Papaano?" Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing. Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko." At malungkot na naiwan ang kambing sa malalim na balon.



1. Ano ang kinalabasan ng maling desisyon ni kambing?

A. nagkaroon siya ng tunay na kaibigan B. nakalabas siya sa balon
C. naisahan siya ang tusong lobo
D. pareho silang nabilanggo ng lobo sa balon

2. Ano ang tawag natin sa mga babasahing naglalaman ng mga tekstong impormatib at mga napatunayan na tungkol sa isang paksa?

A. Kwento
B. Usapan
C. Tekstong pang-impormasyo
D. Bugtong


3. Ito ay ang tawag sa pagpapalitan ng salita,opinyon o pagdadayalogo sa pagitan ng dalawa o higit pang tao?

A. Tula
B. Pabula
C. Usapan
D.kwento


4. Ito ay kwento kung saan mga hayop ang mga gumaganap at kapupulutan ng aral?
A. Pabula
B. Bugtong
C. Kwento
D.Tula


5. Alin sa mga sumusunod na babasahin ang naglalaman ng tekstong pang impormasyon?

A. Libro
B. Komiks
C. Songkook
D. Drawing book


6. Ito ay produkto ng malikhaing isip ng tao na maaaring ibahagi sa pamamagitan ng pagsusulat, pagdadrama o pagsasapelikula?
A. Tula
B. Palaisipan
C.Kwento
D.Pabula​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.