Questions


September 2022 1 1 Report
Ang Lawin at ang Palikha sa Daigdig (Alamat ng Katagalugan)

Noong simula ng daigdig, wala pang lupa. Tanging dagat at langit lamang ang naroroon. Sa pagitan ng dalawang ito ay isang lawin na walang tigil sa palipad. Ngunit dumating ang isang araw napagod din ito Humanap ang lawin ng madadapuan kaya naisip niyang galitin ang dagat.

Sa tindi ng galit ay hinagisan ng dagat ang lawin ng maraming tubig hanggang umabot ito sa langit ang taas ng mga alon nito. Upang mapahupa ang mga alon, binagsakan nito ng maraming bato ang dagat Sa dami ng mga batong binagsak ng langit, nagtumpok-tumpok ito at nabuo ang ibat-ibang pulo sa ibabaw ng dagat. Sa wakas, humupa rin ang galit ng dagat.

Sa pagdaan ng mga panahon, napangasawa ng dagat ang lupa. Nagkaanak ang mga ito, ang kawayan Lumutang ang kawayan sa tabi ng dagat nabangga nito ang paa ni lawin Nagalit ang lawin at pinagtutuka ang kawayan hanggang sa nabiyak ito. Kaginsa-ginsa, lumitaw sa isang piraso si Malakas at sa kabila ay si Maganda. Silang dalawa ang mga unang tao sa daigdig.

Ipinatawag ni lindol ang ibon at isda ipinasya nilang dapat mapangasawa ni Malakas si Maganda. Sa paglipas ng panahon, dumami ang mga tamad at walang pakinabang na mga anak hanggang sa mawalan ng katahimikan sa paligid. Hindi nakatiis si Malakas, dumampot siya ng isang sanga ng bakawan at pinaghahataw niya ng mga anak.

Nagtakbuhan sa takot ang mga ito at nagtago sa ibat-ibang lugar. Ang iba ay nagtago sa mga silid na naging pinuno ng mga pulo, ang iba ay sumingit sa mga dingding at naging mga alipin, ang iba ay nagkubli sa mga kalan sa cocina na naging mga negro at ang mga tumakas sa labas ay naging malaya Pagkaraan ng maraming taon, ang mga anak na lumayas sa dagat ay bumalik, at sila ay maputing tao, ang mga dayuhan. At ito ang pinagmulan ng iba't-ibang tao sa daigdig.


1. anu-ano ang mga bahagi ng banghay ng alamat?
A. pangunahing tauhan, pantulong tauhan
B. may simula, gitna at wakas
C. tauhan lapad, tauhan bilog
D. may ritmo, tugma

2. alin sa bahagi ng talata sa alamat ang nagpapakita ng TUNGGALIAN?
A. talata 1
B. talata 2
C. talata 3
D. talata 4

3. Sino ang maituturing na tauhang background sa akda?
A. lawin
B. langit at dagat
C. malakas at maganda
D. lindol

4. alin sa bilang ng talata sa seleksyon ang nagpapakilala ng dahilan ng pagkakabuo ng iba't ibang pulo sa ibabaw ng dagat?
A. talata 1
B. talata 2
C. talata 3
D. talata 4


pasagot po pls thank youuu​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.