Ang Hardinerong Tipaklong
Kwento Ni Dr. Rose Torres-Y

Isang umaga, natigil sa pagdidilig si Mang Atong. “Ano ang nangyari rito?
Bakit kayo nagkakagulo? Tanong ni Mang Atong. “Dumating po si Tipaklong na

gutom na gutom. Kasama niya ang tropa at dito sila lumusong,” sagot ni Ilang-
Ilang.

Madaling-araw lumulusob ang mga iyon habang masarap ang kaniyang tulog.
Pinaalala niya kay Aling Bebang na gisingin siya nang mas maaga kinabukasan.
Tahimik at malalim ang idlip ng mga pananim. Dahan-dahan siyang naglakad
papuntang gulayan habang nagmamanman.
Maingay at nagkakagulo roon. “Dito naman pala nagpista ang mga tamad!”
Hindi natulog si Mang Atong nang gabing iyon. Walang mintis ang kanyang
patibong. Habang kumakain ng sariwang kangkong, nahuli si Tipaklong. Takbuhan
naman ang mga kasamang kampon. “Huwag kang mag- alala, pakakawalan din
kita,” sabi ni Mang Atong.
“Maawa ka na, magugutom ako dito. Huwag mo akong ikulong. "
Kung papayag ka, pakakainin kita. Kakalagin ko na rin ang tali ng iyong mga
paa. Pero magtrabaho ka, kapalit ng pagkain at pagtira. ” Bumilis ang takbo ng dugo
ni Tipaklong. “Kahit ano, gagawin ko,” malakas ang kanyang tugon.
Binungkal niya ang lupa at dinilig ang mga halaman. Tumutulong si Tipaklong
kay Mang Atong araw-araw mula noon. Naging kaibigan niya si Petsay,Talong,
Sigarilyas at Okra. Kapag oras ng pahinga’y nagkakantahan sila habang naggigitara
siya.Minsan silang inabutang ganoon ni Mang Atong. Sa isang kumpas, huminto
ang lahat. Nakahanda sila sa galit na akala. Ngunit, ngumiti iyon at nagsabing
“Magaling ka palang tumugtog. Kung magtatagal ka pa, ibibili kita ng gitara. ”
Ngumiti ang mga mata ni Tipaklong. Mula noo’y sumipag pa siyang lalo.
Laging nakatawa si Gumamela. Madalas kumakanta si Okra. Tuwi-tuwina’y
patalun-talon si Talong. Kaagad-agad namang napapasayaw sina Petsay at Sigarilyas. Mula noon, lalong dumami ang mga bulaklak niyang dilaw at bumilog ang
kanyang mga bunga.
Lalong gumanda ang halamanan at gulayan nina Mang Atong at Aling
Bebang. Napansin ito ng mga taganayon ng Palong-Palong. Nagtataka rin sila kung
bakit lalo pang sumipag at lumakas ang mag-asawa.
Naging bukambibig tuloy sa nayon. Gamot sa panghihina at pagtanda ang
pag-aalaga ng halaman.
Isang araw, kinausap ng mag-asawa si Tipaklong. “Labis-labis na ang
pagsisilbi mo sa aming hardin. Maaari ka nang umuwi kung ibig mo,” malungkot ang
tinig ni Mang Atong. “At hindi sapat ang pasasalamat namin sa pambihira mong
sipag,” dagdag ni Aling Bebang.
“Hindi ko gustong umuwi. Ito lang ang aking tahanan,” malungkot ang tinig ni
Tipaklong. “Huhusayan ko pa ang pag-aalaga sa mga halaman. Pagkain ko’y sige
bawasan.” Nalungkot ang mga nakikinig na halaman.
“Ito na ang tahanan mo, kung gayon,” masayang tugon ng mag-asawa.
Pareho rin ang pagkain ni Tipaklong. Dadagdagan pa ang oras ng pahinga kung
kailangan niya. Tumalon nang tumalon sa tuwa si Tipaklong.
Mula noon kapag may nagtatanong, “Ano pong abono ang ipinaiinom ninyo
sa halaman, Mang Atong?” Nakangiti siyang tutugon: “Kayo na ang magkaroon ng hardinerong Tipaklong!”

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.