Questions


August 2022 1 1 Report
ANG EDUKASYON SA "NEW NORMAL" NA SITWASYON Lahat ay nagulat, natakot, at nanibago sa nagaganap na pandemic. Paano nga ba haharapin ang kasalukuyang pandemyang ito? Lalo na sa edukasyon, halos lahat ng magulang ay may pangamba na papag-aralin ang kanilang mga anak. Isusugal ba nila ang buhay ng kanilang mga minamahal na anak? Ang gobyerno ay ginagawa ang lahat upang maipagpatuloy ang edukasyon sa ating bansa. Isa na rito ang pagtuturo sa new normal na sitwasyon. Maaaring ipagpatuloy ang edukasyon kahit nasa bahay lang ang mga bata sa pamamagitan ng online class ngunit ito ay may kaakibat na suliranin dahil hindi lahat ng mga mag-aaral ay mayroong sariling mga kagamitan para rito. Dahil rito, naglunsad ang DepEd ng iba't ibang paraan upang hindi mahinto ang pag-aaral ng mga estudyante. Halimbawa na lang ang Modular Learning kung saan maaaring ipagpatuloy ang edukasyon kahit na walang internet sa bahay. Tinawag itong "New Normal" dahil bago ang sitwasyon sa pamumuhay ng mga tao pati na rin sa edukasyon. Ang pag-aaral ay hindi kinakailangang face to face ang guro at ang kaniyang mga estudyante dahil marami namang paraan upang matuto ang isang bata kahit ito ay nasa loob lamang ng kanilang bahay tulad ng online learning kung saan gagamit ng mga gadyets gaya ng telebisyon, radio, laptop o desktop at iba pa. Maari ring gumamit ng mga modules na ibibigay ng guro sa tulong ng barangay at paaralan na kung saan makakakuha ang mga magulang o guardian ng bata. Maituturing na hindi sagabal ang pandemya para hindi matuto ang mga mag-aaral kahit na hindi nila kailangang pumunta sa mismong paaralan.

Panuto: Ipaliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa binasa.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.