May isang virus na pinaguusapan ng lahat. Naglalakbay ito sa buong mundo, nagbibigay ng sakit sa mga tao, at naghahasik ng takot at pangamba.
Mula sa isang tao, napakabilis na lumilipat ng virus na ito patungo sa susunod.
Masaya ako ng sinabi ni Ama na hindi masyadong delikado ang virus na ito para sa batang tulad ko.
Subalit nalungkot naman ng sabihin ni Ina na ang virus ay napaka-delikado para sa ibang tao, lalo na sa mga nakatatanda.
Ngunit sinabi ng mga magulang ko na lahat ay may maaaring makatulong upang supilin ang virus.
Labis akong natuwa dahil mahilig akong tumulong! Gusto kong gawin ang lahat ng aking makakaya upang makatulong! Nais kong maging isang kampiyon na susupil sa virus!
Pero ano ang maaari kong gawin upang patigilin ang virus? Kailangan ko bang mag-aral tumambling sa hangin? Kailangan ko bang ayusing mabuti ang aking iskedyul?
Salamat sa Diyos at hindi ko naman kailangang gawin iyon! Kailangan ko lang manatili sa bahay hangga’t maaari; at gayundin ikaw, pati ang iyong mga kaibigan at pamilya. Kung kailangang bumili ng pagkain, dapat panatilihin ang 1.5 na metrong distansya mula sa isa’t isa. Kung ito ay magagawa ng lahat, mapipigilan natin ang paglalakbay ng virus.
Mukha siyang madali. Pero mami-miss ko ang pakikipaglaro sa aking mga kaibigan. Mami-miss ko ang pag-upo sa hita ni Lolo. Marami akong bagay na mamimiss.
Ngunit naisip ko kung gaano ko kamahal ang mga miyembro ng aming pamilya. Naisip ko kung gaano ko kamahal ang mga tao sa aming distrito, komunidad, at bansa. Sa totoo lang, mahal ko ang lahat ng tao sa mundo! Ibabahagi ko ang aking pagmamahal sa lahat ng tao sa mundo. Makikita niyo! Mas malayo ang mararating ng pagmamahal ko kaysa sa virus.
Explanation:
Ang talumpati na pinamagatang Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus ay isang halimbawa ng maikling kwento tungkol sa karanasan sa pandemya (Covid-19). Ang maikling kwentong pambata tungkol sa pandemya na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng panahon ng pandemya (Covid 19).
Answers & Comments
Answer:
Ang Kampiyon Na Susupil Sa Virus

THANK ME LATER PO! <3
Pa brainliest po! <3