Ang Ating Pinakadakilang Regalo
Ang unang dakilang regalo
Na maihahandog natin,
Maging mabuting halimbawa.
Dapat alam natin.
Nagtatrabaho tayo, naglilingkod
Nakikibahagi, nagkakaloob,
Sa bawat gawain
Nakatutulong tayong mabuhay ang iba.
Bawat hamon
Hinaharap natin
Dahil nakatitiyak tayo,
Na may lunas din.
Maging tapat tayo,
Tunay, at totoo,
Ating ibahagi pagtitiyaga
At panahong mahalaga.
Maging handa tayo
Na maglingkod sa iba
Burahin natin ang mga pagdududa,
Agam-agam at takot sa kanila.
Ang pagiging uliran
Ang ating ihandog,
Bubuhayin nito ang loob
Ng mga walang pag-asa.
Sagutin ang sumusunod na tanong
Aling saknong ang pumukaw ng iyong pansin? Pumili ng isang saknong sa tula.
Magbigay ng halimbawa kung paano gagawin ang isinasaad nito. Isulat sa ibaba ang
iyong sagot.
Saknong Halimbawa
______________________________ ________________________ ______________________________ ________________________
______________________________ ________________________
______________________________ ________________________
Answers & Comments
Answer:
yung maiikli po
Explanation:
tama po ba