Questions


October 2022 1 0 Report
Ako po ay nagmula sa sang maralitang pamilya. Magsasaka ang aking ama. Magsasaka rin ang kaniyang ama. Subalit kahit ganoon ang dugong dumaloy sa aming mga ugat, nanatili sa aming isipan ang kahalagahan ng kalinisan ng aming pagkatao. Maraming nagsasabi, ako raw ay magiging magsasaka rin. Yayakap sa lupa. Mag-aamoy burak tulad ng aking mga ninuno. Ngunit naroroon ang matamis na ngiti ng isang pagmamalaki. Ang amoy burak kong ama na labis na yumakap sa lupa ay kinikilala bilang isang mabuting mamamayan Kinikilala bilang isang taong may simulain. Simulaing hindi ipinagpalit sa kinang ng yaman. Yamang napakadaling kunin kung itatapon mo lamang ang iyong karangalan. Ngayon, yumayakap din ako sa lupa. Ito ang aking daigdig. Daigdig ng katotohanan at kawalan ng tunay na kaguluhan ng buhay. Daigdig na puno ng mga tunay na pagkatao. Pagkataong nababalutan ng kawalan ng pagbabalatkayo. Aanhin mo ang yaman kung ang pagkatao mo ay mawawasak at mababawasan? Hindi mababawasan ng pagiging mahirap ang isang pagkatao. Ang mayamang walang karangalan kapag namatay ay madaling makalimutan. Ang mahirap na may karangalan, patay na ngunit inaalala pa... Mula sa Talumpati na may paksang karangalan 1. Pag-unawa sa Akda Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel. 1. Anu-ano ang mga kaisipang pinalutang sa talumpati? 2. llahad ang papel na ginampanan ng karangalan sa buhay ng isang tao ayon na rin sa nagtalumpati 3 Bakit daw may taong nagtitlis ng hirap mapanatili lamang ang karangalan? 4 Sang-ayon ka ba sa argumentong inilatag ng mananalumpati tungkol sa karangalan? Pangatuwiranan ang iyong sagot. 5. Kung ikaw ang magpapasya, alin sa dalawa ang pipiliin mo? Kayamanan o Karangalan? Bakit?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.