Ako po ay nagmula sa isang maralitang pamilya. Magsasaka ang aking ama. Magsasaka rin ang kaniyang ama. Subalit kahit ganoon ang dugong dumaloy sa aming mga ugat, nanatili sa aming isipan ang kahalagahan ng kalinisan ng aming pagkatao. Maraming nagsasabi, ako raw ay magiging magsasaka rin. Yayakap sa lupa. Mag-aamoy burak tulad ng aking mga ninuno. Ngunit naroroon ang matamis na ngiti ng isang pagmamalaki. Ang amoy burak kong ama na labis na yumakap sa lupa ay kinikilala bilang isang mabuting mamamayan. Kinikilala bilang isang taong may simulain. Simulaing hindi ipinagpalit sa kinang ng yaman. Yamang napakadaling kunin kung itatapon mo lamang ang iyong karangalan. Ngayon, yumayakap din ako sa lupa. Ito ang aking daigdig. Daigdig ng katotohanan at kawalan ng tunay na kaguluhan ng buhay. Daigdig na puno ng mga tunay na pagkatao. Pagkataong nababalutan ng kawalan ng pagbabalatkayo. Aanhin mo ang yaman kung ang pagkatao mo ay mawawasak at mababawasan? Hindi mababawasan ng pagiging mahirap ang isang pagkatao. Ang mayamang walang karangalan kapag namatay ay madaling makalimutan. Ang mahirap na may karangalan, patay na ngunit inaalala pa... Mula sa Talumpati na may paksang karangalan 1. Pag-unawa sa Akda Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel. 1. Anu-ano ang mga kaisipang pinalutang sa talumpati? 2. lahad ang papel na ginampanan ng karangalan sa buhay ng isang tao ayon na rin sa nagtalumpati. 3. Bakit daw may taong nagtitiis ng hirap mapanatili lamang ang karangalan? 4. Sang-ayon ka ba sa argumentong inilatag ng mananalumpati tungkol sa karangalan? Pangatuwiranan ang iyong sagot. 5. Kung ikaw ang magpapasya, alin sa dalawa ang pipiliin mo? Kayamanan o Karangalan? Bakit?
Answers & Comments
Isang marangyang salusalo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na populár sa taguring Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kaniyang bahay na nasa Kalye Anloague (na ngayo'y Kalye Juan Luna) na karatig ng Ilog Binundok.
Ang paayaya ay madalíng kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitán ay kilalá bílang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukás ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabíng iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Punô ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mga bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng maybahay. Kabílang sa mga bisita sina tenyente ng guardia civil, Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lámang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kaniyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Padre Damaso ang kaniyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababà. Lumitaw rin sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Padre Damaso. Kung kaya’t iniba ni Padre Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng dalawampung taon bílang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
.
PA BRAINLIEST PO AKO PLSSSS